‘I married my ex BF:’ Netizen, ikinuwento ang love story nila ng dating nobyo na nakatuluyan niya

Imahe mula sa Facebook | Aika Ota-Paglinawan
  • Ibinahagi ng isang netizen ang kuwento nila ng ex-boyfriend niyang napangasawa niya
  • Sabi ni Aika Ota-Paglinawan, 13 anyos lamang siya nang unang maging sila ng asawang si Clark kaya hindi nagtagal ang kanilang relasyon
  • Matapos ang siyam na taon ay muli silang pinagtagpo

Kinakiligan ng netizens ang kuwento ng mag-ex na nagkabalikan matapos ang siyam na taong paghihiwalay at kamakailan lamang ay ikinasal na.

I-click ang imahe para makita ang buong post

Ayon sa post ni Aika Ota-Paglinawan, taong 2010 nang unang maging sila ng ngayon ay asawa na niyang si Clark. “2010: He was my first boyfriend, my first love. We got our love wrong the first time around but I always felt that our paths would cross again and I was right. We found our way back together last year,” saad niya.

Hindi raw niya akalain na ang lalaking minahal niya noong siya ay 13 anyos pa lamang ang siya niyang pakakasalan kahit pa siyam na taon silang nagkahiwalay.

Nagpasalamat din siya sa kaniyang asawa dahil simula raw nang magkita silang muli ay malaki ang pinagbago ng buhay niya.”There was a positive shift happening, and I know that it has something to do with you. You bring out the best in me, and you make me see the world from a different perspective. Because of you, I no longer hold on to my fears and just let things happen as they should,” sabi niya.

Imahe mula sa Facebook | Aika Ota-Paglinawan

Dahil daw dito ay hindi siya nagdalawang-isip na ibigay ang matamis niyang ‘oo’ nang alukin siya ni Clark ng kasal.

“I know it has been a hard decision for us since we are still in our early 20s and other people may say a lot about it. But when you asked me to marry you, I didn’t think twice about saying ‘YES’ because I already knew that I want to be with you for the rest of my life,” sabi niya pa.

Sa kasalukuyan ay may 51k reactions at 40k shares na ang post niya. Mensahe niya sa mga sawi sa pag-ibig, “‘Wag kayong mawawalan ng pag-asa. Kung kayo, kayo talaga. At kung hindi, I hope you all find the love that you deserve,” sabi niya.

Source :

Facebook

Loading…