Ibinebentang ‘scorched rice’ o kaning tutong sa ibang bansa, kinaaliwan ng netizens

Imahe mula sa Facebook | Rich Ajibola
  • Naaliw ang netizens sa ibinahaging larawan ng kaning tutong ng isang Facebook user
  • Nakalagay kasi ito sa packaging at ibinebenta sa halagang $7 at tinatawag din nila itong ‘scorched rice’
  • Biro ng mga Pilipino na naka-relate dito dahil kanin ang isa sa pangunahing pagkain sa bansa ay pagkakataon na raw ito upang magsimula ng negosyo

Kinaaliwan ng netizens ang itinitindang “scorched rice” ng isang grocery sa ibang bansa. Ang panindang ito kasi ay ang tinatawag na kaning tutong sa Pilipinas.

Imahe mula sa Facebook | Rich Ajibola

Nagbahagi ang netizen na si Rich Ajibola ng larawan nito at sinabing “Scorched what? That’s the rice at the bottom of the pot.” Nag-upload din siya ng larawan ng kaning tutong na may packaging pa. Makikita sa price tag na $7.58 ang presyo nito o katumbas ng P384.73 sa Pilipinas.

Hindi bago para sa mga Pilipino ito dahil kanin ang isa sa mga pangunahing pagkain sa bansa ngunit natuwa sila na naibebenta pala ito sa ibang bansa. Sa kasalukuyan ay may mahigit 16k na reactions at 49k shares na ang post na ito.

Sabi ng netizen na si Joshua M., “Mayaman naman pala kami eh. Always kaming mayroon niyan.”

Si Bea naman, kayang-kaya raw itong gawin para sa mga kaibigan. Nag-tag naman si Vince A. ng kaibigan upang sabihin sa kaniya na sosyal pala sa ibang bansa ang tawag sa kaniyang paboritong  kaning tutong.

Imahe mula sa Facebook | Rich Ajibola

Biro naman ng ilan, magandang oportunidad daw ito upang pagkakitaan ng ibang netizens. “Yung luto mo, $7 pala [ang halaga],” sabi ni Aaron N. sa itinag na kaibigan. Sabi naman ng isa, “May bago ka nang magiging product para hindi na masasayang mga nasusun0g mo.”

Si A. Ocampo naman, sinabing tila gusto niya yatang magsun0g ng isang sakong kanin kung nabibili pala ito sa ibang bansa.

Paborito mo rin ba ang scorched rice? lol

Source :

Facebook

Loading…