‘In time, everything will heal:’ Matteo Guidicelli, nagsalita na tungkol sa ‘secret wedding’ nila ni Sarah Geronimo

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli
  • Naglabas ng pahayag si Matteo Guidicelli tungkol sa naganap na secret wedding nila ni Sarah Geronimo
  • Itinanggi niya ang paratang ng close in security ni Sarah na sinunt0k umano niya
  • Nagpasalamat din siya sa kaniyang pamilya sa pagtanggap kay Sarah at sinabing umaasa siya na magiging maayos din ang lahat sa tamang panahon

A day full of pure love, honesty and genuine emotions. Ganito inilarawan ni Matteo Guidicelli ang Pebrero 20, 2020, ang araw ng pag-iisang dibdib nila ng asawang si Sarah Geronimo.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Sa unang pagkakataon matapos ang kontrobersyal na secret wedding ng dalawa ay nagsalita na si Matteo sa publiko. “Yes, we got married. [We are now] Mr. and Mrs. Guidicelli,” saad niya sa kaniyang Instagram post.

Masayang masaya raw sila ng kaniyang asawa sa bagong yugtong ito sa kanilang buhay. “First and foremost, we would like to express the overwhelming joy, love, and excitement we have in beginning our life together,” aniya.

Nagdesisyon daw sila na gawing “as intimate as possible” ang kasalan dahil sa “private matters.”

“Each and every one of you has been part of our love journey and we want to say, Thank you. Friends, family and everyone on ‘social media’ have been a source of inspiration, strength, and most importantly, of LOVE.”

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Itinanggi rin ni Matteo ang akusasyon ng close in security ni Sarah na si Jerry Tamara na sinunt0k niya ito sa lalamunan. “That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never ‘punched’ anyone,” sabi niya.

Nagpasalamat din si Matteo sa kaniyang pamilya na minahal daw ang asawa na parang tunay na anak. “Our family is growing and we are blessed. Papa and mama, thank you for deeply loving and welcoming Sarah into our family. In time, with God’s grace and love, everything will heal and fall into place,” sabi niya.

Nangako rin siya na poprotektahan niya ang asawa kagaya ng pagprotekta ng kaniyang ama sa kanilang pamilya.

“We are happy, we are blessed, and we are husband and wife! Let’s always celebrate life and love! Nothing will ever defeat pure honest LOVE. God bless everyone for your love and support,” pagtatapos niya.

Source :

Instagram

Loading…