International projects ni Marcelito dumagsa matapos ang exposure sa AGT: The Champions

  • Matapos ang exposure sa AGT:The Champions ay dumagsa ang mga alok na international shows kay Marcelito
  • Nakatakda siyang mag-show sa Singapore, Japan, Indonesia, Canada, Australia, at sa United States
  • Taos-puso ang pasasalamat niya sa AGT:The Champions dahil doon ay naipakita niya ang kanyang husay sa buong mundo

Hindi man nasungkit ng pambato ng Pilipinas na si Marcelito Pomoy ang kampeonato sa katatapos lang na America’s Got Talent: The Champions (AGT:The Champions) Season 2 ay nanatili siyang positibo dahil napakarami niyang mga proyektong gagawin sa mga darating na buwan.

Screenshot mula sa video ng AGT:The Champions

Nakatakda siyang mag-show sa Singapore, Japan, Indonesia, Canada, Australia, at sa United States.

Malaking bagay na raw kay Marcelito kung anuman ang nakamit niya sa AGT: The Champions. Ibinida pa niya na noong audition pa lang sa naturang talent show ay marami na ang gustong kunin ang serbisyo niya bilang mang-aawit.

“Sa ngayon kasi, kahit third place ako, makatungtong ka lang sa ‘America’s Got Talent,’ malaking factor na sa ‘yo ‘yan, e, kasi all over the world ang nakakakilala sa ‘yo. Noong audition ko pa lang, ang daming nag-inquire sa akin, puro international, kaya ang saya ko na,” sabi niya.

Nang makasali at magtanghal siya sa AGT ay napagtanto raw ni Marcelito na puwede pala siyang pang-international dahil hindi lang mga Pilipino ang humanga sa talento niya kundi maging ang mga ibang lahi.

Aminado siya na sumama ang loob niya dahil 4th placer lang siya sa AGT, subalit tinanggap na raw niya ang kanyang kapalaran.

Screenshot mula sa video ng AGT:The Champions

“Kung anuman ang itinadhana sa akin, siyempre kailangan mo tanggapin. Kahit sino namang contestant, ‘pag tinawag kang third place or fourth place, siyempre nakakasama rin ng loob. Sa akin, okay lang, kasi siyempre, malaking advantage sa akin kasi nakilala ako all over the world,” sabi pa ni Marcelito.

Taos-puso ang pasasalamat niya sa buong staff at judges ng AGT:The Champions, dahil nabigyan siya ng pagkakataon na maipakita ang husay niya sa buong mundo.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa kanila. Sa nangyari sa akin ngayon, iba ang feedback ng tao, e. Kung hindi dahil sa kanila, kung hindi dahil sa ‘America’s Got Talent,’ wala ako sa kinalalagyan ko ngayon na nakilala sa buong mundo,” ani Marcelito.

Screenshot mula sa video ng AGT:The Champions

You deserve all the opportunities coming your way, Kabayan! Congrats!

Loading…