Isang boss, ginawang $70,000 ang minimum wage sa kanyang kompanya; kumuha ng bahagi ng pera sa kanyang sahod

  • Isang boss ang nagpapasahod ng $70,000 o halos 3.5 milyong piso bilang minimum wage sa kanyang kompanya
  • Batid niya raw kasing ito ang sahod na sasapat sa pangangailangan ng kanyang mga empleyado kaya binawasan niya ang personal na kita
  • Naging maganda naman daw ang resulta nito at naging mabait at masipag ang kanyang mga empleyado

Pangarap ng bawat empleyado ang malaki, kung hindi man ay makatarungang sahod. Nais natin na nasusuklian ang ating bawat pagsasakripisyo at pag0d sa kompanya o industriyang pinagsisilbihan. Nagsisilbi rin itong motibasyon para sa marami na mas pagbutihin ang kanilang trabaho.

Ito ang dahilan kung bakit nakalululang $70,000 o halos 3.5 milyong piso ang minimum na sahod ng mga empleyado sa kompanya ni Dan Price na Gravity Payments simula noong 2015. Ayon sa kanyang panayam sa ilang media organizations, ginawa raw ni Price ang desisyong ito upang matulungan ang kanyang mga empleyado na mabayaran at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Larawan mula sa Instagram post ni Dan Price

Minsan daw niyang nabatid na kulang ang kanyang pasahod nang makausap ang isang kaibigang sundalo na kumikita ng $41,000 na kinukulang para sa pambayad ng kanyang mga bills. Dito raw niya naisip na masyadong malaki ang kanyang nakukuha bilang boss ng kompanya na nagkakahalagang $1.1 million.

Kaya naman ipinatupad niya ang $70,000 minimum wage sa kanyang negosyo at kumuha ng bahagi sa kanyang personal na sahod at kita. Nakinabang dito ang kanyang halos 120 na empleyado. Natuwa naman ang karamihan sa kanyang empleyado dahil sa biglaang dobleng sahod.

Gayunman, hindi naman lahat ay positibo ang naging pagtingin sa kanyang panukala. Sabi ng iba, gimik lang daw ito para mapansin ang kompanya. Ngunit hindi naman ito pinansin ni Price at nagtuon ng pansin sa positibong epekto ng kanyang pagtataas ng sahod sa mga empleyado.

At hindi nga nagkamali si Price sa kanyang desisyon. Bagama’t malaking sugal ito para sa kabuuan ng kompanya at sa personal na kita na rin, mas masaya siya dahil naging maayos at magandang ang takbo ng pagtatrabaho ng kanyang mga empleyado.

Larawan mula sa Pexels

Ayon sa kanilang HR, inilahad raw ng kanilang mga senior staff na mas gumagaan na ang kanilang trabaho dahil mas naging masipag daw ang kanilang mga junior employees. Dahil daw may motibasyon ang mga ito na magandang bayad, mas nagiging hardworking daw ang mga ito.

Hanggang sa kasalukuyan ay tumatakbo pa rin ang napakalaking minimum wage na ito para sa kanyang mga empleyado. Masaya raw siya na mas madali niyang napapatakbo ang kompanya at mas naging masaya raw siya sa kanyang buhay.

Source :

LAD, BBC

Loading…