Ivana Alawi sa mga lalaking may GF: ‘Wag na kayong mag-save ng photos ko’

Imahe mula sa Instagram | Ivana Alawi
  • May pakiusap si Kapamilya actress Ivana Alawi sa mga lalaking may girlfriend na
  • Sana raw ay huwag na nilang i-save ang photos niya upang huwag pagsimulan ng away
  • May mga natatanggap daw kasi siyang mensahe ng mga girlfriend na nagsesel0s sa kaniya

Dahil sa alluring image ni Ivana Alawi sa kaniyang mga vlog at social media accounts ay binabansagan na raw siyang bagong “Pantasya ng Bayan.” Sa katunayan, maraming mga girlfriend ang nagpopost sa social media tungkol sa kanilang pagsesel0s sa aktres dahil isine-save daw ng kanilang boyfriend ang mga larawan niya.

Imahe mula sa Instagram | Ivana Alawi

Nang pumirma ng exclusive na kontrata sa ABS-CBN si Ivana ay nabanggit niya na may mga natatanggap daw siyang mensahe ng mga galit na babae.

“They were like ‘nag-break kami dahil sa iyo’ kasi yung jowa daw nila were saving my photos,” saad niya. “Sabi ko guys ‘wag na kayo mag-save ng photos ko para hindi kayo mag-break.”

Sinabi rin noon ni Ivana na single siya at handa nang umibig.

“Yes, I am single. I have been single for a long time kaya I think it is time. Wala akong ka-date ngayong Valentine’s so baka naman. Baka naman may gustong makipag-date sa akin just let me know,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | Ivana Alawi

Dagdag pa ni Ivana, hindi naman daw siya naghahanap ng lalaking sobrang guwapo. Ang mahalaga raw para sa kaniya ay tatanggapin siya kung sino siya at hindi siya lolok0hin.

Samantala, excited na raw si Ivana sa mga paparating niyang proyekto sa ABS-CBN dahil gusto niya raw ipakita ang kaniyang kakayahan sa pag-arte upang patunayan hindi lamang siya “hubadera.” “I want to show also my acting side. There’s more than yung sexiness image, ‘yung pagpapakita ko ng skin, ‘yung pagiging hubadera ko,” sabi niya.

Naghahanda na si Ivana para sa “Ligaya,” ang unang teleserye na nakatakda niyang pagbidahan. Ayon sa ABS-CBN, huling napanood si Ivana sa “Sino Ang May Sala?”

Source :

ABS-CBN

Loading…