Japan nagbigay ng 2,000 iPhones sa mga pasahero at crew ng naka-quarantine na cruise ship

  • Japanese government namigay ng 2,000 iPhones sa cruise ship na naka-quarantine
  • Ang mga iPhones ay ipagagamit sa mga pasahero at crew upang komunsulta sa mga doktor at makahingi ng medisina
  • Sa February 19 matatapos ang quarantine ng mga crew at pasahero ng cruise ship

Nagbigay ang Japanese government ng 2,000 iPhones sa mga pasahero at crew ng Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Imahe mula kay @Masujun via Twitter

Ang iPhones ay ipinamahagi sa lahat ng mga cabin sa cruise ship upang magamit ito ng mga pasahero at crew sa pakikipag-usap sa mga doktor sa Japan. Ang mga pasahero at crew na lulan ng cruise ship ay hindi pinabababa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Umabot na sa 355 ang mga pasaherong dinapuan ng nasabing virus. Ang mga ito ay dinala na sa mga pagamutan upang malapatan ng lunas. Nasa 3,700  ang bilang ng mga crew at pasahero na isinailalim sa 14-day quarantine.

Ayon sa Japanese Ministry of Health, Labor and Welfare, ang mga iPhones na ipinamigay ay may pre-downloaded app na maaaring magamit ng mga pasahero upang makapag-request ng medication, komunsulta sa doktor, at makatanggap ng impormasyon mula sa health officials.

Ang mga smartphone na hindi nakarehistro sa Japan ay hindi makaka-access ng app, ayon pa sa health ministry.

Imahe mula kay Macotakara

“The Japanese Ministry of Health, Labour and Welfare has confirmed the case of coronavirus at the Diamond Princess cruise ship, now isolated onboard the sea. We will provide approximately 2000 unit of iPhone operated by Softbank, and there will be one unit of phone per cabin in every passengers’ cabins and crew rooms.

Access the special app by The Japanese Ministry of Health, Labor and Welfare to ask by chat about medication or any other things that may concern you. The app will book a consultation session with a medical doctor.”

Ang 14-day quarantine ng mga crew at pasahero ng Diamond Princess ay matatapos sa ika-19 ng Pebrero. Sisimulang suriin ng Japanese government ang mga pasahero simula sa ika-18 ng Pebrero. Ang mga magnenegatibo sa virus ay maaari nang makababa ng barko simula sa February 21.

Imahe mula sa Kyodo

Loading…