Japan Prime Minister nag-utos na ipasara ang lahat ng paaralan sa buong bansa dahil sa COVID-19

  • Lahat ng paaralan sa buong Japan, ipinasasara ni Prime Minister Abe dahil sa COVID-19
  • Apektado ng nasabing hakbang ang 12.8 million students sa 34,847 paaralan sa buong Japan
  • Maraming local officials ang nasorpresa sa panawagan ni PM Abe, subalit inaasahan na susunod ang lahat sa nais niya

Nanawagan si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa mga paaralan sa buong Japan na magsara upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng new coronavirus (COVID-19).

Imahe mula sa JiJi Press

Nais ni Prime Minister Abe na simulan ang nationwide closure ng mga paaralan sa ika-2 ng Marso. Tatagal ang pagasasara hanggang sa simula ng spring break sa huling linggo ng Marso.

“The government considers the health and safety of children above anything else. We request all primary, junior high and high schools… across the nation to close temporarily from March 2 next week until their spring break,”ani PM Abe.

Ayon sa Education Ministry, apektado ng nasabing hakbang ang 12.8 million students sa 34,847 paaralan sa buong Japan.

Marami umanong local officials ang nasorpresa sa panawagan ni PM Abe, subalit inaasahan na susunod ang lahat sa nais niya.

“The coming week or two is an extremely important time. This is to prioritize the health and safety of the children and take precautions to avoid the risk of possible large-scale infections for many children and teachers who gather and spend hours together every day,”paliwanag ni Abe.

Imahe mula sa Kyodo News

Ang desisyon ni Abe ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong nagpositibo sa COVID0-19. Mayroon nang 809 confirned cases ng coronavirus sa Japan,kabilang na ang 705 na nasa loob ng crusie ship na naka-quarantine.

Ang emergency closure ng mga paaralan ay ipinag-utos ni Abe habang ang marami sa kanila ay abala sa paghahanda sa graduation ceremonies.

Hindi naman umano maiiwasan ang biglaang pagsasara ng mga paaralan, ayon kay Norinobu Sawada, Vice Principal ng Koizumi primary school.

“The most important thing is to prevent infections, so there aren’t many other options,” aniya.

Imahe mula sa Kyodo News

Loading…