JC de Vera at kanyang fiancée, ibinida ang ganda ng Jones Bridge, Manila sa kanilang pre-nuptial pictorial

  • Trending sa social media ang simple pero classy na pre-nup photos ni JC de Vera at fiancée na si Rikkah Cruz
  • Kinuhanan ang kanilang larawan sa bagong ayos na Jones Bridge na bumagay naman sa klasikong look ni JC at Rikkah para sa kanilang larawan
  • Kahit sa Pilipinas lamang kinuhanan ang larawan ay nakuha nito ang atensiyon ng madla at pinuri ang dalawa sa pagpapakita ng ganda ng sariling bansa

Normal na para sa mga celebrity ang magarbong pre-nuptial pictorial. Marami sa mga ito ay ginagastusan ang kanilang mga isusuot na damit at ang lugar na pagdarausan ng kanilang pictorial. Marami ang pinipili na lumabas ng Pilipinas at doon isagawa ang pagkuha ng larawan bago gawin ang kasal.

Ngunit para sa Kapamilya leading man na si JC de Vera at kanyang fiancée na si Rikkah Cruz, hindi na kinakailangang pumunta pa sa ibang bansa upang maging maganda at trending ang kanilang pre-nup pictorial. Pinili kasi ng dalawa na ipakita ang angking ng ganda ng Maynila, partikular na ang Jones Bridge at gawing saksi sa kanilang wagas na pagmamahalan.

Larawan mula sa Instagram account ni JC de Vera

Ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ang kanilang mga larawan na kuha sa bagong ayos na Jones Bridge sa Maynila. Klasikong tingnan sina JC at Rikkah sa kanilang mga suot na damit na gawa nina Edwin Tan at Francis Libiran.

Umayon sa kanilang look ang tema ng bagong Jones Bridge na pagpapakita ng klasikong ganda sa  kontemporaryong panahon. Tinawag din ng Nice Print Photography na siyang nanguna sa pictorial ang pre-nup photos bilang “beautiful session at the heart of Old Manila.”

Agad namang nag-trending sa social media ang larawan nina JC. Nakakuha na rin ng higit 122,000 likes ang post ni JC sa kanyang Instagram account habang isinusulat ang balitang ito. Marami ding mga celebrities ang nagpaabot ng kanilang paghanga sa nasabing photosho0t kabilang na sina Jasmine Curtis at Nadia Montenegro.

Naging pribado ang relasyon nina JC at Rikkah sa mahabang panahon. Ngunit inilahad ni JC ang kanyang magandang fiancée nang mag-propose ito sa Siargao noong 2018. Noong taong iyon din ay inilahad ni JC na magiging ama na siya sa panganay nila ni Rikkah.

Larawan mula sa Instagram account ni JC de Vera

Sa isang panayamn sa talk show na Tonigh with Boy Abunda, sinabi ni JC na nakatakda silang ikasal ni Rikkah sa Disyembre ng taong ito sa isang traditional church wedding.

Bahagi si JC ng mga Kapamilya shows na Banana Sundae at Pamilya Ko. At kamakailan lamang, pumirmang muli si JC ng exclusive management contract sa ABS-CBN.

Loading…