Jinkee at Manny Pacquiao, nagpalitan ng Valentine’s message

Imahe mula sa Instagram | Jinkee Pacquiao
  • Nag-post si Jinkee Pacquiao ng throwback photos nila ng asawang si Sen. Manny Pacquiao
  • Kalakip nito ang kaniyang Valentine’s message
  • Hindi naman nagpahuli si Sen. Manny at nagbigay rin ng mensahe para kay Jinkee

Nagbahagi si Jinkee Pacquiao ng throwback photos nila ng asawang si Sen. Manny Pacquiao kalakip ang nakakikilig na mensahe para sa Valentine’s Day.

Imahe mula sa Instagram | Jinkee Pacquiao

“1999. The year we first met. I fell for you. I’ve stood by your side ever since. We got married. We had beautiful children. You are my soul mate. You are my partner. You are my best friend. And my love for you will never end,” saad niya sa caption. “I love you so much. Happy Valentine’s Day!”

Makikita rin dito ang paglago ng kanilang pamilya mula sa larawan na sila lamang ang magkasama hanggang sa ngayon na may lima na silang anak.

Hindi naman nagpahuli ang senador at ibinahagi rin ang pinagdaanan nila sa buhay mag-asawa.

“Nag-asawa kami 19 years old kami pareho eh. So mga bata kami. Ano na kami ngayon, 41 years old na. So, 22 years na kaming mag-asawa,” kuwento niya. “Sa trials na napagdaanan namin sa buhay. Me and my wife, maraming, I can say, difficult times na napagdaanan namin sa pagsasama namin. We learned a lot and we can inspire other families or husband and wife.”

Imahe mula sa Instagram | Jinkee Pacquiao

Ngayong Valentine’s Day, malaking bagay na raw para sa kanila ang magkasalo sa hapunan. Kahit wala naman daw kasing okasyon ay nagbibigay siya ng oras para sa asawa.  “Sa wife ko, lagi akong nagbibigay ng time sa kaniya, kami lang dalawa. Nagbabakasyon kami, pumapasyal kami,” sabi niya.

Payo niya sa mga mister, “Always fall in love with the same woman every day.”

Para naman sa mga hindi pa nakikita ang kanilang “forever,” hindi raw dapat ito hanapin.

“’Wag pilitin maghanap ng ka-partner ninyo. Hintayin ninyo na bigyan kayo ng Panginoon ng kapartner kasi kapag naghanap kayo, tiyak ang ending niyo noon wala rin. Hindi rin kayo magkakatuluyan,” sabi niya.

Sa huli ay nagbigay siya ng mensahe para sa asawa. “Babe, always remember this. I will always love you. Happy Valentine’s Day,” sabi niya.

Loading…