Kahit Alert Level 2 na lang, ilang residente sa Batangas, nangangailangan pa rin ng tulong

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube
  • Kahit naibaba na sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal ay nangangailangan pa rin ng tulong ang mga residente na nasiraan ng bahay at kabuhayan
  • Dahil dito, may ilang grupo pa rin na patuloy na nagpapadala ng tulong doon
  • Nagpasalamat naman ang mga residente na nakatanggap ng mga relief goods dahil malaking tulong daw ito para sa kanila

Mahigit isang buwan matapos ang naganap na pagsab0g ng Bulkang Taal ay patuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong ng ilang organisasyon para sa mga apektadong residente na nasiraan ng bahay at ng mga kabuhayan.

Imahe mula sa Tagaytay CDRRMO

Ang GMA Kapuso Foundation, kamakailan lamang, ay nagdaos ng “pinakamalaki” nilang distribution ng mga relief goods para sa mga taga-Batangas. Sa ulat ng GMA News, sinabi ni Rikki Escudero-Catibog na nagdala sila ng siyam na trucks bitbit ang mga relief goods doon.

“Ito yung distribution na pinakamalaki sa atin in so far as goods are concerned kasi nine trucks ang dala natin,” sabi niya.

Isa si Fernando Gamo sa mga nakatanggap ng tulong mula sa GMA. Ayaw muna ng kaniyang pamilya na bumalik sa kanilang bahay sa Agoncillo dahil nangangamba sila para sa kanilang kaligtasan. Laking pasasalamat niya sa tulong na ipinagkaloob sa kanila.

Imahe mula sa Tagaytay CDRRMO

“Nagpapasalamat po kami. Tatagal din po sa amin ‘yan nang mga kalahating buwan,” saad niya.

Samantala, ang bahay naman ni Aldwin Alvarez ay lumubog na dahil sa pag-urong ng tubig sa lawa. Sa kabila nito ay nananatili siyang positibo at pursigido upang muling makabangon. “Magsisikap na lang uli para makapagpatayo ng bagong bahay,” aniya.

Enero nang maganap ang phreatic erupti0n sa Bulkang Taal, dahilan upang lumikas ang mga nasa danger zone. Ilang linggo rin ang inilagi nila sa mga evacuation center. Kamakailan lamang ay ibinaba na sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal.

“After step-down to Alert Level 3 last 26 January 2020, Taal Volcano’s condition in the succeeding three weeks has been characterized by less frequent volcanic earthquake activity, stabilizing ground deformation of the Taal Caldera and Taal Volcano Island edifices and weak steam or gas emissions at the Main Crater,” sabi ng Phivolcs sa kanilang bulletin.

Nangangahulugan daw ang Alert Level 2 na nabawasan na ang unrest ngunit hindi raw nito ibig sabihin na hindi na posible ang pagsab0g.

Source :

GMA News, Twitter

Loading…