Kahit maputi na ang buhok ko: Lolo, kinakiligan sa ‘paandar’ para kay Lola

Imahe mula sa video ni Ferdinand Sangre via Facebook
  • Kinakiligan sa social media ang mag-asawang senior citizen
  • Binigyan kasi ng surpresa ni Tatay Andy ang asawang si Nanay Bebs para sa Araw ng mga Puso
  • Kahit 63 years nang kasal ang dalawa ay hindi pa rin nawawala ang ‘spark’ sa pagitan nila

Kahit maputi na ang kanilang buhok, hindi pa rin nawawala ang “spark” sa relasyon ng mag-asawang sina Nanay Debs at Tatay Andy na kinakiligan sa social media.

Imahe mula sa video ni Ferdinand Sangre via Facebook

Ikinuwento ng netizen na si Ferdinand Sangre ang pakulo ng kaniyang Tatay Andy para sa asawang si Nanay Bebs na nakuhanan niya ng video.

“From dialysis center si Tatay Andy talaga. Nagyaya na dumaan muna kami kay Nanay dahil gusto niyang ibigay ang roses kay Nanay Bebs,” sabi niya.

Ikinatuwa niya ito dahil kahit 63 taon nang kasal ang dalawa ay nananatiling matatag ang pagmamahal nila para sa isa’t isa.

“Super sweet talaga. Kahit 84 na si tatay Andy ay matatag pa rin ang pagmamahal niya kay Nanay Bebs.Thank you, Lord,” aniya.

Sa video, makikita si Tatay Andy na nag-aabot ng pus0 kay Nanay Bebs na kitang-kita ang pagkakilig. Nagpalitan din sila ng matatamis na “I love you.”

Imahe mula sa video ni Ferdinand Sangre via Facebook

Maging ang mga netizen ay natuwa sa tagpong ito. Sino ba naman ang hindi bibilib sa ganitong tagpo, ‘di ba?

Sa kasalukuyan ay may mahigit 1.6M views, 58k reactions at 62k shares na ito. Tinawag na rin ang tambalan nila na AndyBebs.

“Ang sweet naman po. Naniniwala na naman tuloy ako sa forever,” sabi ng netizen na si Ana L.

Ang ilan, hindi mapigilang mapa-sana all.

“Wow, sana makita kong ganito ang lolo at lola ko,” sabi ng isa. “Ganito sana lahat kahit tumanda na. Kaya lang, yung iba kahit I love you, wala na. Hindi na maramdaman ang sweetness,” sabi naman ng isa pa.

Si Elsie L, napaluha naman daw sa napanood. “Pinaiyak na naman ako ng mag-asawang ito. Happy Valentine’s Day po. Nawa’y marami pa pong Valentine’s ang pagsaluhan ninyo. God bless po,” sabi niya.

“Pag-ibig pa rin ang pinakamalakas sa lahat,” sabi naman ni JP R.

Source :

Facebook

Loading…