Kakaibang challenge: Pagharang ng baka sa grupo ng mountaineers, kinaaliwan sa socmed

  • Viral sa social media ang pagharang ng isang baka sa group ng mga mountaineer
  • Tinaguriang “final challenge” umano ito para sa kanila na nais lamang dumaan sa lugar
  • Nagdulot naman ito ng aliw sa netizens habang ang iba ay naalala ang kaparehong pangyayari habang namumundok

Tila “final challenge” para sa grupo ng mga mountaineers ang pagharang sa kanilang ng isang baka habang namumundok.

Imahe mula sa video na ibinahagi ng Facebook page na Istorya ni Mang Tomas

Sa video na ibinahagi ng Facebook page na Istorya ni Mang Tomas noong February 15, makikita ang pakikipagpatintero ng grupo ng mga namumundok sa baka na nakaharang sa kanilang daraanan.

“To reach the finish line you need to pass the final boss,” ayon sa caption ng post.

Kinaaliwan ng marami ang tila pakikipaglaro at pagharang ng baka na namataan sa lugar ng grupo ng kalalakihan sa video.

Sa halip naman na sumuko ay minabuti na lamang nilang lampasan ang panghahamon sa kanila ng hayop. Kaniya-kaniyang istilo ang ginawa ng mga mountaineer upang maiwasan ang baka na ayaw magpadaan.

Makikitang may lalaki rin na ilang beses sinubukang kunin ang atensiyon ng baka at tila nagpapahabol pa rito para mabigyan ng oportunidad ang mga kasama na makaiwas sa paningin ng hayop.

Isa-isa silang gumilid at lumakad sa damuhan para hindi maabot ng nakataling baka sabay tatakbo palayo para hindi na sila maabot ng hayop na ayaw magpadaan.

Nag-viral naman ang video at umani ng iba’t ibang reaksiyon sa social media.

Marami ang nagpahayag ng pagkaaliw dito matapos itong mapanood sa Facebook. Mayroon ring netizens na naka-relate dahil sa parehong eksena na kanilang naranasan habang namumundok.

Imahe mula sa video na ibinahagi ng Facebook page na Istorya ni Mang Tomas

“You made my day! Hahaha,” ani MSG matapos mapanood ang pakikipagpatintero ng grupo sa isang baka na namataan sa lugar.

“This is so challenging!” sambit naman ni JP.

“Parang may video rin tayo na ganito, ‘di ba,” sabi naman ni SOM matapos i-tag ang kaibigan sa comment section ng post.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang halos 3,000 reactions at higit 3,000 shares ang post. Lagpas 176,000 naman ang tinamong views ng video ng mga mountaineer sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…