Kakaibang proteksiyon: Netizen ginawang ‘face mask’ ang plastic balloon

  • Trending sa social media ang ideya ng isang netizen para magkaroon ng sariling face mask
  • Ginawa niya kasing face mask ang plastic balloon na proteksiyon niya umano sa mga nagkalat na virus
  • Maraming netizens naman ang na-good vibes sa ideyang ito ng netizens

Nang makumpirma na mayroon nang corona virus o nCoV 2019 sa Pilipinas, agad na dumagsa ang maraming Pilipino sa mga botika at mga tindahan upang bumili ng face mask. Isa kasi ito sa sinasabing mabisang proteksiyon upang hindi agad mahawa at mapanatiling malinis at malakas ang pangangatawan.

Dahil sa pagdagsa ng mga Pilipino at pagbili ng face mask, agad ring naubusan ng suplay ang mga tindahan. Marami tuloy sa mga kababayan natin ang patuloy sa paghahagilap ng kanilang magagamit na face mask.

Larawan mula sa Facebook post ni Lounel Ayeh Caballes

Kaya naman ang isang netizen, gumawa na lamang ng kanyang sariling diskarte upang makaiwas sa nakahahawang  karamdaman. Naghatid ng good vibes sa maraming netizen ang larawang in-upload ni Lounel Ayeh Caballes sa kanyang Facebook account. Makikita kasi rito ang lalaki na mayroong suot na plastic balloon sa kanyang ulo bilang kanyang face mask.

Orihinal na larawan ni Bryan Sanchez ang in-upload ni Lounel. At dahil magkaibigan naman sila, nagkasundo sila kung sino ang maglalagay ng larawan sa social media. Isang napakalaking plastic balloon ang bumalot sa ulo ni Bryan at wala nga namang anumang organismo ang makapapasok sa loob nito.

Wala pang isang araw na naka-post sa Facebook ang larawan ay nag-trending na ito. Umabot lang naman sa higit 8,100 reactions na karamihan ay ‘haha’ at 35,000 shares ang kakaibang proteksiyon na ito ni Bryan.

 Kanya-kanyang komento rin ang mga netizen na aliw na aliw sa larawang ito ni Bryan. Marami sa kanila ang namangha sa tiyaga nito na magpalobo ng plastic balloon na hindi raw madaling gawin. Kailangan ng matinding ‘sipag at tiyaga’ para makapagpalobo ng ganoon kalaki.

Larawan mula sa Facebook post ni Lounel Ayeh Caballes

“Hindi ko alam kung saan ako hahanga eh, sa idea ba na gawing face mask ang plastic balloon o doon sa nagpalobo. Ang laki. Ilang plastic balloon kaya ang nagastos nila rito at nakailang ulit kaya sila?” sabi ng isang netizen na nag-share.

Para naman sa ilang mga netizens, mukha raw astronaut si Bryan sa kanyang kakaibang mask. May ilan namang natuwa na kahit daw sa panahon ng tak0t sa bansa ay nagagawa pa rin ng mga Pilipino na magsaya at makapagpasaya ng kapuwa.

Loading…