Kandidata sa Miss Universe PH mula sa Biliran na may ‘natural Filipina beauty,’ isa sa early favorites

  • Trending sa social media ang larawan ng isang Miss Universe Philippines candidate
  • Marami kasi ang humanga sa natural Filipina beauty ni  Skelly Ivy Florida na mula sa Biliran
  • Naging early favorite tuloy siya ng mga netizen at marami ang nagnanais na siya ang mag-uwi ng korona

Umpisa nang muli ang paghahanap ng susunod na reyna ng beauty pageant sa Pilipinas. Matapos ang sunod-sunod na tagumpay ng Pinay beauty queens, malaking pressure ang mayroon para sa kauna-unahang reyna ng Miss Universe Philippines ngayong taon.

Opisyal nang ipinakilala ang 52 kandidata na maglalaban-laban upang maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 pageant. May mga kilalang pangalan na sa larangan ng pageantry ang sumali at mayroon ding mga bagong mukha na handang ilaban ang kanilang mga lalawigan at lungsod.

Larawan mula sa Norman Norman website

Isa sa mga early favorites ay ang isang “black beauty” mula sa Biliran. Trending sa social media ang larawan ni Skelly Ivy Florida dahil sa sinasabing natural na gandang Pinay na taglay nito. Morena si Skelly at sinasabing malakas ang laban dahil sa patuloy na pagkilala ng Miss Universe sa mga contestant na hindi puti ang kulay.

Ibinahagi ng fashion designer na si Edwin Uy sa kanyang Facebook account ang ilang larawan ni Skelly bilang opisyal na kuha para sa Miss Universe Philippines pageant. Lutang na lutang ang ganda ng 20-anyos na beauty queen sa kanyang white dress.

Ayon kay Edwin, maihahalintulad ang ganda ni Skelly sa isang Barbie Doll dahil sa maitim nitong buhok, balingkinitang katawan, at kayumangging kulay ng balat. Marami din ang nagsasabing hawig siya sa aktres at singer na si Roxanne Barcelo.

“Miss Universe Philippines candidate from Biliran Skelly Ivy Florida wearing an Edwin Uy cocktail dress. Isn’t she a black barbie doll? A very pretty morena girl so deserving to be the next Miss Universe Philippines. Please support her in the MUP pageant,” pahayag ni Edwin sa kanyang post.

Larawan mula sa Facebook account ni Edwin Uy

Umabot na sa halos 10,000 reactions, 137 comments, at 7,700 shares ang nakuha ng larawan ni Skelly. Aprub sa mga netizens na siya ang mag-uwi ng korona dahil ipinakikita niya raw ang tunay na kulay ng isang Pinay at malaki ang tsansa na muling makamit ng bansa ang titulong Miss Universe.

May ilan namang netizens na ikinukompara ang ganda at vibe ni Skelly sa unang Miss Universe mula sa Pilipinas na si Gloria Diaz habang ang iba naman ay nakikita ang pagkakatulad nila ng reigning Miss Universe na si Zozibini Tunzi mula sa South Africa.

Loading…