Kapatid ni Kobe Bryant ipinakita ang tattoo bilang pag-alala sa NBA legend at pamangkin na si Gianna

Imahe mula sa Instagram | Vanessa Bryant
  • Ipinakita ni Sharia Washington, kapatid ng NBA star na si Kobe Bryant, ang kaniyang tattoo
  • Black mamba na bumuo ng infinity symbol at numbers 2 at 24 ang ipina-tattoo niya bilang pag-alala kay Kobe at sa pamangkin na si Gianna Bryant
  • Kamakailan lamang ay ginanap ang memorial para sa mag-ama na kasama ng pito pang sinawimpalad sa isang helicopter crash

Ibinahagi ni Sharia Washington ang tattoo na kaniyang ipinalagay sa likod bilang pag-alala sa kapatid na si Kobe Bryant at pamangking si Gianna.

Imahe mula sa Instagram | Vanessa Bryant

Makikita sa kaniyang tattoo ang black mamba, bansag kay Kobe, na bumuo ng infinity symbol. Mayroon din itong mga numerong 2 para kay Gianna at 24 para kay Kobe. Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay nagpasalamat si Sharia sa tattoo artist na gumawa nito.

Samantala, ibinahagi naman ito ng asawa ni Kobe na si Vanessa Bryant. “My sister-in-law got this cool tattoo to honor Gigi and Kobe. 2-24 forever. Love you @shariawash,” saad niya sa kaniyang Instagram post.

Una nang nagpatattoo ang mga NBA star na sina LeBron James at Anthony Davis bilang pag-alala kay Kobe. Black mamba, at 24 at 8, na mga numero ng jersey ni Kobe ang ipinalagay ni LeBron sa kaniyang hita. Samantala, black mamba rin ang naka-tattoo kay Anthony.

Kamakailan lamang ay ginanap ang memorial para sa mag-ama kung saan bumuhos ang mga luha ni Vanessa at ng mga dumalo.

Imahe mula sa Instagram | Vanessa Bryant

“Kobe and I have been together since I was 17 and a half years old. I was his first girlfriend, his first love, his wife, his best friend, his confidant, and his protector. He was the most amazing husband,” sabi niya.

Sinabi niya rin na naniniwala siyang alam ng Panginoon na hindi kakayanin ni Kobe o ni Gigi na wala ang isa’t isa kaya ito nangyari.

“God knew they couldn’t be on this Earth without each other. He had to bring them home to have them together,” sabi niya. “Babe, you take care of our Gigi. I got Nati, BiBi, and KoKo and we’re still the best team.”

Loading…