Kapuso actress Sheena Halili at non-showbiz boyfriend, ikinasal na; big stars dumagsa sa seremonya

  • Ikinasal na ang Kapuso actress na si Sheena Halili sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Atty. Jeron Manzanero
  • Dinagsa ng malalaking bituin mula sa Kapuso at Kapamilya network ang kanilang pag-iisang dibdib
  • Nagsilbi ring sponsor sa kasal ang malalaking personalidad tulad nina Mayor Vico Sotto, Marian Rivera, at Julius Babao

Sunod-sunod ang mga personalidad na lumalagay sa tahimik ngayong 2020. Matapos ang kasal nina Megan Young at Mikael Daez, Joyce Pring at Juancho Triviño, at Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, isa na namang bituin ang nahanap ang kanyang forever.

Ikinasal na kasi ang StarStruck batch 1 alumna at character actress na si Sheena Halili sa kanyang longtime boyfriend na si Atty. Jeron Manzanero. Ginawa ang sermonya sa The Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City.

Larawan mula sa Instagram post ni Christine Bersola

At pinatunayan ni Sheena na graduate siya ng reality show na StarStruck dahil literal na nakaka-starstruck ang mga bisita nila sa kanilang naging pag-iisang dibdib. Bahagi lang naman ng kanyang bridesmaid ang phenomenal star na si Maine Mendoza, Kapamilya actress Ria Atayde, at isa pang StarStruck alumna na si Chariz Solomon.

Principal sponsors ang beteranang actress na si Coney Reyes, ang broadcast journalist na si Julius Babao, ang misis nitong si Christine Bersola-Babao, at ang isa sa mga momshies ng Magandang Buhay na si Jolina Magdangal.

Kasama rin sa mga sponsors ng kasal ang primetime queen na si Marian Rivera-Dantes, Mars Pa More host Camille Prats, Ultimate Star Jennylyn Mercado, at ang millennial mayor ng Pasig na si Vico Sotto.

Hindi naman alintana ang pagkakaiba ng network ng mga artistang dumalo dahil masaya silang nag-bonding sa nasabing kasal. Ilan pa sa mga dumalo ay ang Asia’s Songbird Regine Velasquez, John Prats, Isabel Oli, Arjo Atayde, Dennis Trillo, at Dingdong Dantes.

Larawan mula sa Instagram post ni Julius Babao

Nag-umpisa ang l0ve story nina Sheena at Jeron noong 2017. Isinet-up lamang sila ng isang GMA Assistant Director na si Carlo Canu sa isang blind date at noong taon ding iyon ay pormal na ipinakilala ni Sheena sa madla si Jeron bilang kanyang nobyo.

Noong August 2018 naman ay nag-propose na ng kasal si Jeron kay Sheena sa loob ng isang sinehan sa Greenhills, San Juan kasama ang ilang kaanak, kaibigan, at mga kasamahan sa trabaho ni Sheena.

Source :

PEP, GMA News

Loading…