Kathryn Bernardo at Alden Richards, tinaguriang Phenomenal Stars of Philippine Cinema ng Guillermo Awards

  • Itinanghal na Phenomenal Stars of Philippine Cinema ngayong taon sina Kathryn Bernardo at Alden Richards
  • Ito ay para sa tagumpay ng highest grossing Filipino movie of all time na Hello, Love, Goodbye
  • Sila rin ang itinanghal na Film Actor and Actress of the Year awardee ng Guillermo Awards

Noong nakaraang taon, ginulat ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang mga manonood. Hindi inakala ng fans na magiging posible ang paggawa ng dalawang aktor ng proyekto dahil mula sila sa magkaibang l0ve team at istasyon. Ngunit ang naging pelikula nilang Hello, Love, Goodbye ay pinanood ng fans nila at ng maraming movie goers na gumawa pa ng kasaysayan.

Larawan mula sa Instagram account ni Alden Richards

Itinanghal na highest grossing Filipino film of all time ang proyektong ito nina Alden at Kathryn at kumita ng P880,603,490 matapos ng 50 araw mula nang opisyal na ipalabas ang pelikula. At hindi pa natatapos ang magandang balita para sa mga bida ng pelikula dahil panibagong parangal ang nakuha nila para sa Hello, Love, Goodbye.

Inilabas na ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ang opisyal na listahan ng mga makatatanggap ng parangal ngayong taon. At ang pinakamalaking parangal para sa larangan ng pelikula sa bansa ay makukuha nina Alden at Kathryn bilang “Phenomenal Stars of Philippine Cinema.”

Ito na ang ikalawang taon ni Kathryn na makuha ang nasabing award mula sa Guillermo. Noong 2019, itinanghal din siya bilang Phenomenal Star of Philippine Cinema kasama ang nobyong si Daniel Padilla para naman sa pelikulang The Hows of Us na second highest grossing film of all time. Sina Alden at Kathryn din ang Film Actor and Actress of the Year.

Samantala, ang direktor naman ng Hello, Love, Goodbye na si Cathy Garcia-Molina ay iuuwi rin nang magkasunod na taon ang parangal na Most Popular Director. Siya rin kasi ang direktor ng The Hows of Us na ipinalabas noong 2018.

Dahil din sa tagumpay ng Alden-Kathryn movie, iuuwi ng mga manunulat na sina Carmi Raymundo, Rona Go, at Direk Cathy ang most popular screenwriters habang ang ABS-CBN Film Production o Star Cinema naman ang most popular movie producer.

Larawan mula sa Instagram account ni Alden Richards

Maliban sa Hello, Love, Goodbye, mag-uuwi rin ng award mula sa Guillermo ang iba pang blockbuster movies ngayong taon. Box Office King and Queen sina Aga Mulach at Xia Vigor ng pelikulang Miracle in Cell No. 7. Sina Joel Torre at Bela Padilla naman ang Movie Supporting Actors of the Year para sa parehong pelikula.

Itinanghal namang Prince and Princess of Philippine movies naman sina Enrique Gil at Liza Soberano para sa kanilang pelikulang Alone/Together na ipinalabas noong February 2019.

Loading…