Kathryn Bernardo at Daniel Padilla balik tambalan sa pelikula, ididirek muli ni Cathy Garcia-Molina

  • Magbabalik sa paggawa ng pelikula ang sikat na tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
  • Ididireheng muli ng premyadong direktor na si Cathy Garcia-Molina ang comeback movie ng KathNiel
  • Sa San Francisco, California raw kukuhanan ang pelikula at ipalalabas ngayong taon

Pakikiliging muli ng isa sa pinakasikat na tambalan sa bansa ang kanilang mga fans. Balik-tambalan na kasi sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at nakatakdang gumawa ng isang pelikula na pangungunahan ng award-winning at blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina.

Sa inilabas na ulat ng tanyag na movie outfit ng ABS-CBN na Star Cinema, mayroong working title ang bagong KathNiel movie na After Forever. Present sa ginawang story conference ang real-life couple na sina Kathryn at Daniel, si Direk Cathy, at ang isa pang multi-awarded writer na si Carmi Raymundo.

Larawan mula sa The Scoop

Halos parehong team din ang gagawa ng bagong KathNiel movie sa kanilang naunang blockbuster na pelikulang The Hows of Us na ipinalabas noong 2018. Itinanghal itong highest grossing Filipino film noong 2018 dahil sa kita nitong higit P800 million.

Gayunman, naungusan ito ng isa pang pelikula ni Direk Cathy na Hello, Love, Goodbye na ipinalabas noong 2019 na kinatampukan naman ni Kathryn, katambal ang Kapuso leading man na si Alden Richards.

Sinabi rin ng production team ng bagong KathNiel movie na uumpisahan na agad ngayong Pebrero ang sho0ting. Hindi pa naman ipinakikila ang iba pang cast members na tiyak na mas magbibigay kulay din sa pelikula na isa ring tatak ni Direk Cathy.

Dinetalye naman ng premyadong direktor na ang mga eksena sa Almost Forever ay kukuhanan sa San Francisco, California. Pangako ni Direk Cathy, kahit na isang l0ve story muli ang gagawin ng KathNiel ay magpapakita naman ito ng bagong konsepto at magiging larawan ng realidad.

Larawan mula sa The Scoop

Dahil sa anunsiyo ng kanilang pagbabalik-tambalan sa big screen, maraming fans din ang nagtatanong kung tuloy ba na ipalabas ngayong 2020 ang nakatakdang pagbabalik telebisyon nina Kathryn at Daniel. Sa teaser plug kasi ng mga palabas ng Kapamilya network noong huling quarter ng 2019, kasama ang KathNiel teleserye sa offering ng ABS-CBN ngayong taon.

May tentative title ito na Tanging Mahal. Ayon pa sa naunang ulat ng ABS-CBN, kukuhanan daw ang mga eksena nito sa bansang Mexico.

Loading…