Kathryn Bernardo, ibinahagi ang mahalagang aral na natutunan sa business

Imahe mula sa Instagram | KathNails at Kathryn Bernardo
  • Ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang mahalagang aral sa business na natutunan niya
  • Mahalaga raw na i-track lahat ng perang lumalabas at pumapasok kahit pa piso ito
  • Noong isang taon lamang ay binuksan nila ni Daniel Padilla ang barbershop na Barbero Blues

Bagama’t baguhan pa lamang sa mundo ng entrepreneurship ay marami nang natutunan si Kathryn Bernardo sa pagpapatakbo ng negosyo.

Imahe mula sa Instagram | Kathryn Bernardo

Sa isang interview sa PEP.ph, sinabi ni Kathryn na mahalaga raw ang pagta-track ng mga perang pumapasok at lumalabas kahit pa piso ito.

“Kasi with business…kahit piso iyan, ten pesos, lahat ‘yan nagma-matter kasi hindi lang iniisip mo dito kayo lang. Mayroong mga empleyado ka na may mga pamilya, so kailangan mo rin silang isipin,” sabi ni Kathryn.

Taong 2017 nang buksan niya ang KathNails na isang nail salon. Ang boyfriend at ka-love team naman niyang si Daniel Padilla ay naging co-owner ng gastropub na District 8. Samantala, noong isang taon lamang ay binuksan naman nila ang barbershop na Barbero Blues.

Imahe mula sa Instagram | Kathryn Bernardo

Kuwento ni Daniel, nabuo raw ang konsepto ng Barber Blues dahil naisipan nilang ito ang magandang puntahan ng mga asawa o boyfriend ng mga babae habang nasa KathNails sila.

“Kasi, siyempre ang KathNails, it’s more on the women. Kapag nandoon sila, saan pupunta mga asawa nila, ‘di ba? Boyfriends nila, saan tatambay, ‘di ba? So, naisip namin na, kunwari, siya nagpapa-nails siya, ako nagpapagupit ako. Doon nagsimula iyong barber shop na iyon,” sabi niya.

Aminado naman si Daniel na pagdating sa finances ay mas maalam si Kathryn at ang kaniyang mommy na si Min.

Laking pasasalamat naman ni Kathryn sa kaniyang mommy na tumutulong sa kanila sa pagpapatakbo ng negosyo.

“Siya ang nag-ga-guide sa amin. Totoo, grabe siya. Kung paano mag-handle ng money, mga tao. Lahat ng stress, grabe, si Mama iyon,” saad ni Kathryn. “Ang hirap kapag company. It’s a whole new world for us kasi iba iyong artista, ‘tapos iba pag pinasok mo iyong mundong ito.”

Source :

Pep.ph

Loading…