Kim Domingo, umamin na kailangan niya ng tunay na pagmamahal

  • Sa latest Instagram post ni Kim Domingo, tila may napagtanto ito sa kaniyang buhay
  • May patama ang aktres sa tao o mga taong nakapanakit sa kaniyang damdamin
  • Inamin din niyang kailangan niya ng pagmamahal ngunit hindi mula sa taong peke ang intensiyon

May patama ang GMA 7 artist na si Kim Domingo sa mga taong posibleng nagmamaliit sa kaniyang pagkatao o sa taong nanloko sa kaniya. Tila may napagtanto sa buhay ang aktres kaya naging makahulugan ang kaniyang latest Instagram post.

“I’m done trying to prove myself. I no longer feel the need to impress anyone or go out of my way to explain myself,” pambungad ni Kim.

Imahe mula sa Facebook page ni Kim Domingo

Ang 25-taong-gulang na dalaga ay napagtanto na tumatanda na siya para mai-stress pa sa taong hindi naman siya nauunawaan. SInabi nito na bagama’t may kamalian sa kaniyang pagkatao, may mabuti naman siyang puso para tumulong.

“We’re getting a little too old for the stress that comes along with someone not understanding who you are: flawed but a good hearted soul with a lot to offer,” dagdag pa ni Kim.

Tila labis na nasaktan noon si Kim at ngayon ay naka-move on na ito sa tao o mga taong nakapanakit sa kaniya. Gayunman, inamin pa rin niya na kailangan niya ng pagmamahal ngunit hindi mula sa taong peke ang pakikitungo sa kaniya.

“I’ve decided I am done with temporary people. I don’t need a lack of love… I need love and lots of it. I don’t need someone who smiles to my face, then talks behind my back. I don’t need people who bring me down,” pag-amin ng aktres.

Dagdag pa ni Kim, kahit mahal pa niya ang isang tao ay hindi na niya ito pag-aaksayahan pa ng oras kung hindi siya nito tinatrato nang maayos.

“Even if I have love for you, I no longer have time for you if you treat me that way. The people who really rock with me, know my intentions are pure,” paliwanag pa nito.

“I know some people are not happy with me because I am not so good, but few people surely love me because they know that my little kindness is not fake,” pagwawakas ni Kim.

Imahe mula sa Facebook page ni Kim Domingo

Batay sa mga report, kasalukuyang single si Kim matapos ang break-up nila ng ex-boyfriend niyang basketbolista na si Mike Acuña noong 2019. Halos tatlong taon din ang kanilang relasyon.

Huwag kang mag-alala, Kim. Maraming fans ang sumusuporta sa iyo at tiyak na makatatagpo ka rin ng isang wagas na pag-ibig.

Source :

Instagram

Loading…