‘Koleksiyon’ ng isang netizen, mga dine-in plates ng mga kilalang fast food restaurants sa bansa

  • Ibinida ng isang netizen ang kanyang kakaibang koleksiyon na nagbigay ng good vibes sa mga nakakita
  • Marami kasi siyang dine-in plates mula sa iba’t ibang fast food restaurants sa bansa
  • Nagtataka tuloy ang marami kung paano siya nagkaroon ng mga platong iyon

Malaking bahagi ng bawat food trip ng mga Pilipino ang mga fast food restaurant. Kilalang takbuhan ang mga ito ng gusto nang mabilis at masarap na pagkain. Ang iba naman ay binabalik-balikan ang mga ito dahil sa nakabubusog na combo at value meals na talaga namang sulit na sa bulsa, solb pa ang cravings at tiyan.

Pero ang ilang fast food l0vers ay tila hindi lamang ang mga pagkain ang rason kung bakit pumupunta sa mga kainang ito. Ang ilan, ipinupuslit yata ang mga dine-in plates para ang feeling ng pagkain sa mga fast food, ay madala raw sa kani-kanilang mga tahanan.

Larawan mula sa Facebook post ni Mark Jason Ramirez

Ganito ang ‘koleksiyon’ ng netizen na si Mark Jason Ramirez. Makikita sa kanyang viral Facebook post ang apat na dine-in plates mula sa iba’t ibang fast food restaurant sa bansa. Makikita rito ang iconic na bowl with cover ng Chinese fast food na Chowking.

Mayroon din silang tray-like na dine in plate ng American fast food na McDonald’s. Bidang-bida rin sa kanyang koleksiyon ang plato ng sikat na fast food na Jollibee. Kompleto naman ang Mang Inasal experience ni Joshua kapag kakain dahil mayroon siyang green plate mula sa nasabing fast food, kasama pa ang lalagyan ng sawsawan.

“Mga collection ko nga po pala… Maraming salamat po sa nagpakompleto,” biro ni Mark Joshua sa kanyang viral post. Habang isinusulat ang balitang ito, umabot na sa 14,000 reactions na karamihan ay ‘haha’ at 28,000 shares ang nakuha ng kanyang post.

Nagbigay naman ng komento ang mga netizen na nakakita sa post ni Mark Joshua. Ayon sa ilan, na-good vibes sila sa kakaibang koleksiyon na ito. Tanong tuloy nila, bakit daw maraming fast food plate si Mark Joshua samantalang iba naman ang lalagayn kapag take out.

Larawan mula sa Jollibee

Biniro din si Mark Joshua ng isang kakilala kung bakit nahiya pa siya at hindi isinama sa larawan ang tray mula Jollibee. Sumagot naman siya na hindi na raw kasi kasya sa bag niya ang tray kaya naman hindi na napasama sa kanyang koleksiyon.

Ang ilan naman, tina-tag ang kanilang Facebook friends na kilala ring tirad0r ng mga utensils at plato sa mga fast food. Ang iba naman ay balak pa yatang i-report si Mark Joshua sa mga fast food restaurant na pinanggalingan ng kanyang koleksiyon.

Loading…