Kumanta ng reggae version ng “Isang Linggong Pag-ibig”, kaabang-abang sa The Voice Teens Season 2

  • Isa sa mga contestant ng The Voice Teens Season 2 ang nagpamalas ng natatanging pagkanta ng “Isang Linggong Pag-ibig”
  • Ang contestant na ito ay ang 15-taong-gulang na si Isang Manlapaz na hinangaan ng apat na coaches
  • Sa huli, si Isang ay napabilang sa Team APL 

Isa sa mga aabangang kabataan na may potensiyal na sumikat bilang mang-aawit ay ang The Voice Teens Season 2 blind auditions contestant na si Isang Manlapaz.

Marami ang humanga sa labing-limang taon na si Isang sa ipinamalas nitong husay sa pagkanta ng sikat na awitin ni Imelda Papin na “Isang Linggong Pag-ibig.”

Imahe mula sa Facebook page ng The Voice Teens ABS-CBN

Ang “Isang Linggong Pag-ibig” ay inawit ni Isang sa bersiyon nito ng reggae music.

“Promising” agad ang komento ni Lea Salongga nang marinig ang pag-hmm ni Isang sa simula ng kaniyang pagtatanghal.

Sa unang linya pa lamang ng kanta ay agad na umikot si Sarah Geronimo na sinundan naman ni Bamboo Mañalac sa pag-ikot ng kinauupuan.

Hindi naman napigilan pa ni Lea ang umikot nang umabot na sa bahagi ng araw ng Linggo ang awitin. At siyempre, maging si Apl.de.ap ay umikot na rin at in-enjoy ang pag-awit ni Isang.

Nang matapos ang pagkanta, bumulalas pa si Sarah na “Ang perfect naman no’n!”

Sa maikling panayam ng mga coach kay Isang, ikinuwento nito na natuto siyang kumanta sa impluwensiya ng kaniyang tatay. Noong bata pa lamang siya ay madalas niyang marinig ang kaniyang tatay na kumakanta at ginaya na niya iyon.

Ang kaniyang tito at mga guro ang nakadiskubre ng husay ni Isang noong siya ay Grade 5 pa lamang. Nalinang naman ang estilo niya sa pagkanta ng reggae dahil sa hilig niya sa pakikinig ng reggae music.

“This is a four-chair-turned. Ibig sabihin lang no’n ay napaka-espesyal mo bilang isang talent, isang artist,” paliwanag ni Lea.

Dahil naka-block si Bamboo sa yugtong iyon ay hindi siya maaaring piliin ni Isay.

“You were deserving of this kasi napakaganda ng ginawa mo. This is an old, old, old song [“Isang Linggong Pag-ibig”]. But this version, who’s version is this? KZ [Tandingan]. That was so good. Taking something old and making it very new,” dagdag pa ni Lea.

Imahe mula sa Facebook page ng The Voice Teens ABS-CBN

“Ikaw ang deserving para marinig ng buong mundo. Kung pipiliin mo ako, we will work hard in trying to win the competition and we will have fun,” pahayag naman ni Apl.de.ap na sa huli ay siyang pinili ni Isang.

Good luck, Isang! Isa ka sa mga kaabang-abang na bituin sa The Voice Teens Season 2.

Gusto mong bumilib? Panoorin si Isang sa video na ibinahagi ng The Voice Ph via YouTube:

Source :

ABS-CBN

Loading…