Lagi ka bang nakaupo? Maaari ‘yang maging sanhi ng karamdaman

  • Nagbabala ang mga eksperto sa mga masasamang dulot sa kalusugan ng matagal na pag-upo
  • Maaari raw kasing mauwi ito sa mga seryosong karamdaman lalo na kung hindi nakakapag-ehersisyo
  • Nagbigay naman ng ilang tips ang isang doktor kung paano maiiwasan ang matagal na pag-upo

Karamihan sa mga empleyado ngayon ay ginugugol ang mahabang oras sa trabaho habang nakaupo kaya naman nagbabala ang mga eskperto tungkol sa mga masamang epekto nito sa kalusugan.

Sa isang panayam sa GMA News, sinabi ng physical rehabilitation medicine specialist na si Dr. Joana Macrohon na bukod sa pananakit ng mga kasu-kasuan ay maaari ring makaranas ng mas seryosong mga karamdaman ang mga taong madalas na nakaupo.

“It can range from heart disease, yung pinaka-common. Diabetes, puwede rin po. You can have even mga skeletal pr0blems like back pains or problems with, say the blo0d vessels, ‘yung nagmamanas yung paa,” paliwanag ni Macrohon. “Kung sedentary ka, hindi ka nag-e-exercise, then your immunity would tend to be low. ‘Pag mababa yung immunity mo, you can get things like cancer.”

Ayon kay Dr. Edward Laskowski, marami nang mga pag-aaral ang isinagawa upang malaman ang epekto ng matagal na pag-upo.

“Any extended sitting — such as at a desk, behind a wheel or in front of a screen — can be harmful,” sabi niya sa isang artikulo sa Mayo Clinic.

Ngunit may isang pag-aaral daw na ginawa sa mahigit 1 milyong tao ang nakapagpatunay na kung magkakaroon ng 60 hanggang 75 minuto ng moderately intense na physical activity araw-araw ay sapat upang mapigilan ang epekto ng matagal na pag-upo.

Bukod dito, nagbigay rin siya ng ilang mga tips upang mabawasan ang oras ng pag-upo.

Makatutulong daw ang pagtayo kada 30 minuto. Maaari ring tumayo tuwing may kausap sa telepono. Subukan din daw na makipag-meeting habang naglalakad sa halip na gawin ito habang nakaupo sa conference room. Sa halip na mag-elevator ay maaari na lang maghagdan.

“The impact of movement — even leisurely movement — can be profound. For starters, you’ll burn more calories. This might lead to weight loss and increased energy,” saad niya.

Loading…