Lalaki, nagpagawa ng billboard, website upang makahanap ng ‘forever’

Imahe mula sa Twitter | Mark Rofe
  • Isang lalaki ang nagpagawa ng sariling billboard at website niya upang humanap ng ka-date
  • Ito raw ay dahil halos lahat ng mga kaibigan niya ay ikinakasal na habang siya ay single pa rin
  • May fundraiser din siyang sinimulan dahil gusto niya raw na makapagpatayo pa ng billboard sa maraming lugar

Isang lalaki sa UK ang nagpagawa ng billboard at sariling website upang mahanap ang kaniyang “forever.”

Ibinahagi ni Mark Rofe ang larawan ng billboard na ito sa kaniyang Twitter. “The dating apps were not working, so I bought a billboard and set up a website to stand out and try to get a date,” sabi niya sa caption.

Imahe mula sa Twitter | Mark Rofe

Sa billboard, makikita ang kaniyang larawan at ang mga salitang “Single? Date Mark. This could be the sign you’ve been waiting for.”

Naroon din ang link sa kaniyang website na datingmark.co.uk, kung saan nakalagay ang mga impormasyon tungkol sa kaniya kagaya na lamang ng kanyang height, kulay ng mata, at size ng paa. Naroon din ang ilang mga larawan niya.

“I’m Mark, an extremely handsome and modest 30-year-old living in Sheffield. I work in marketing, and if you’re reading this, then I must be pretty okay at it. You’re probably here because you’re interested in dating me (thank you, I’m flattered), or you’re just wondering wtf this website is about,” sabi niya.

Imahe mula sa Dating Mark

Paliwanag niya, ginawa niya ito dahil halos lahat ng kaniyang mga kaibigan ay ikinakasal na. “I bought a billboard in Manchester and made this website because I’m single. All my friends are getting married, and I’m struggling to get a date,” kuwento niya.

May fundraiser din siya upang makabili pa ng billboard sa iba’t ibang lugar sa UK at Ireland. “All moneys raised will be used to fund billboard advertising. If there is insufficient funds (or any funds remaining), they will be used to make a donation to Cancer Research UK,” sabi sa Just Giving page niya.

Habang isinusulat ito ay may 1,557 date applications na sa kaniyang website.

Anong kaya mong gawin upang hanapin ang iyong forever?

Loading…