Lalaki, nakapag-redeem ng motor mula sa Tom’s World sa ikatlong pagkakataon

Imahe mula sa Facebook | Tom's World
  • Napahanga ng isang lalaki ang mga netizens matapos na mag-redeem ng motorsiklo gamit ang kaniyang ticket points sa Tom’s World
  • Ito na ang ikatlong pagkakataon na nag-uwi siya ng motor mula sa Tom’s World
  • Ayon sa ilang netizens, madalas talaga nilang makitang naglalaro roon si Miguel Co kaya hindi na sila nagulat sa mga napapanalunan nito

Humanga ang netizens sa muling pagkakapanalo ng isang lalaking masugid na manlalaro ng amusement at recreational center na Tom’s World ng isang motorsiklo.

Imahe mula sa Facebook | Tom’s World

Ibinahagi ng Tom’s World ang pagkapanalo ni Miguel Co sa kanilang opisyal na Facebook page. “It’s another day but it’s no ordinary day for Mr. Miguel Co who just claimed a brand new Yamaha MT-15 for 1,607,500 ticket points at Tom’s World SM City Sta. Rosa,” sabi nila.

May mga netizens na nakapansin na hindi ito ang unang pagkakataon na nanalo si Miguel ng motor sa pamamagitan ng mga naipon niyang ticket points.

Taong 2018 nang makapag-uwi siya ng bagong TMX 150 Honda Supremo gamit ang naipong 764,925 tiockets. Nasundan pa ito noong 2019 nang mag-uwi naman siya ng Honda PCX 150 gamit ang 1,410,500 points.

Bagama’t may mga nagdududa kung totoong nanalo si Miguel ay may mga netizens na nagpapatunay na madalas nga nilang nakikita roon ang lucky winner.

Imahe mula sa Facebook | Tom’s World

“Lagi kong nakikita ‘yan dito sa Tom’s World SM Santa Rosa. Malakasan talaga ‘yang maglaro,” sabi ni P. Espiritu. Sinang-ayunan naman ito ni S. Ayson na sinabing “Legit ‘yan. Talagang every day siyang naglalaro para sa ticket. Libangan na niya ‘yan.”

“Naka-shades. Mukhang maga ang mata sa kalalaro,” biro naman ni R. Puyo.

Samantala, kamakailan lamang ay isang lalaki rin mula sa Cebu ang pinag-usapan sa social media matapos nitong mag-redeem ng water tank gamit ang kaniyang 122,520 tickets. “We got your back on your home essentials. Congratulations to Mr. Richard Fajardo for redeeming a Bestank water tank using a total ticket points of 122,520,” sabi nila.

Ano ang pinaka-memorable na premyo na na-redeem mo mula sa isang arcade?

Loading…