Lalaki, namimigay ng ‘anti-corona bouquet’

Imahe mula sa Facebook | Rigel Thomas
  • Nakaisip ng napapanahong bersyon ng bouquet ang isang lalaki. Tinawag niya itong ‘anti-corona’ bouquet
  • Naglalaman ito ng alcohol, hand sanitizer, sabon, at N-95 mask na magsisilbi raw proteksyon laban sa 2019 novel coronavirus
  • May isa nang kumpirmadong kas0 ng 2019 nCoV sa Pilipinas kaya pinag-iingat ang mga Pilipino sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng mask

Nalalapit na naman ang Valentine’s Day. Kung ang ilan ay nagpaplanong magbigay ng bouquet ng bulaklak, tsokolate, o paboritong mga pagkain ng kanilang iniibig, isang lalaki ang nakaisip ng napapanahong version nito na tinawag niyang “anti-corona bouquet.”

Imahe mula sa Facebook | Rigel Thomas

Ibinahagi ng netizen na si Rigel Thomas ang larawan ng bouquet na ito na naglalaman ng alcohol, hand sanitizer, sabon, at N-95 mask. Ipamimigay niya raw ang mga ito sa limang babae mula sa Cebu upang maprotektahan ang kanilang kalusugan.

“Meron nang confirmed case ng coronavirus dito sa Pinas! Oh my gosh! Pero ‘wag malungk0t kasi mamimigay ako nitong anti-corona bouquet sa five lucky girls in Cebu para manligaw sa inyo kasi malapit nang mag-Valentine’s. Joke! Ayun na nga, para protection ninyo ito,” sabi niya sa kaniyang post.

Naisip niya raw na mamigay nito dahil marami naman siyang stocks. “Bibigyan ko kayo ng masks at alcohol kasi marami naman akong stocks dito… I want you guys to be safe, healthy, and virus-free,” saad niya pa sa caption ng kaniyang post na ngayon ay may 1.3k reactions at 5.2k shares na.

Imahe mula sa Facebook | Rigel Thomas

Kamakailan lamang ay kinumpirma ng Department of Health ang unang kaso ng 2019 novel coronavirus sa Pilipinas. Kasalukuyang naka-admit sa San Lazaro H0spital sa Maynila ang 38 anyos na babae mula sa Wuhan, China.

Dumating siya sa Pilipinas noong Enero 21 mula sa Hong Kong. Nagpakonsulta raw ito noong Enero 25 sa 0spital sa Maynila matapos makaranas ng ub0. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sa kasalukuyan ay asymptomatic siya. Nangangahulugan itong wala siyang lagnat, ub0, o anumang senyales ng nCoV.

Source :

Facebook

Loading…