Lalaking naiulat na nawawala matapos bumalik sa Volcano island, nakitang nakabaon sa putik

  • Nahanap na ang isa sa dalawang lalaking nawawala matapos ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal noong January 12
  • Sa ulat ng GMA News, tinukoy ang katawan ng lalaking nakabaon sa putik sa V0lcano Island bilang si Marlon Deteral
  • Nakilala umano si Marlon dahil sa tatt0o na nasa kaniyang katawan

Nahanap na ang isa sa dalawang lalaking naiulat na nawawala sa kasagsagan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Imahe mula sa Youtube video ng GMA News

Sa ulat ng GMA News noong February 15, kinilala ang nahanap na katawan sa V0lcano Island bilang si Marlon Deteral na ilang linggo nang pinaghahanap ng kaniyang pamilya.

Nakita umano ang katawan ni Marlon matapos hukayin ng mga residente ang isang bangkang nalubog sa putik sa isla. Dito na rin nakita ang katawan ng isa sa mga lalaking bumalik sa lugar ilang araw matapos maglabas ng makapal na us0k at ab0 ang Taal.

Nakilala umano si Marlon ng mga residente dahil sa tatt0o nitong drawing ng agila sa katawan.

Ayon pa sa ulat, malapit ang araw ng pagkahanap sa katawan ni Marlon sa mismong araw ng pagdiriwang sana nito ng kaniyang ika-26 na kaarawan.

Matatandaang unang ikinuwento ni Bernadette Valenzuela, kapatid ni Marlon Deteral, na sinadyang magpaiwan sa isla ng kaniyang kapatid sa pag-aakalang nasa bahay pa ang kanilang ina.

Ang hindi alam ng lalaki, nauna na palang nakalikas ang kanilang magulang sa lugar.

Imahe mula sa Youtube video ng GMA News

Sa ngayon naman ay patuloy pa ring pinaghahanap si Alexander Dando Jr. na isang rin sa mga naiulat na nawawala at kaparehong residente sa Barangay Alas-As, San Nicolas, Batangas.

Ayon kay Gerry Dando na kapatid ni Alexander, nakalikas na ang kaniyang kapatid noong magsimulang maglabas ng makapal na usok ang Bulkang Taal.

Nakatanggap na lamang umano ng text si Gerry na babalik sa isla ang kaniyang kapatid sa pag-aakalang tapos na ang pag-aalburoto ng bulkan.

Loading…