Lalaking naka-motor, namataan ng isang traffic enforcer na tumatawid sa isang overpass sa QC

  • Spotted ng traffic enforcer ang isang lalaki habang tumatawid sa overpass sakay ng motorsiklo sa Quezon City
  • Ibinahagi ng netizen na si Mark Anthony Prestado ang larawan ng rider at enforcer na nag-uusap sa gitna ng overpass tungkol sa nangyaring vi0lation
  • Agad ring nag-viral ang larawan at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens

Spotted ng isang traffic enforcer ang isang lalaki habang tumatawid sa overpass sakay ng kaniyang motorsiklo sa Quezon City.

Imahe mula kay Mark Anthony Prestado | Facebook

Sa post ng netizen na nagngangalang Mark Anthony Prestado sa Facebook noong February 1, makikita ang larawan ang enforcer habang nakikipag-usap sa rider na nasa ibabaw ng overpass.

Makikita rito na tila nasa gitna ng diskusyon ang dalawa tungkol sa nangyaring violation.

Hindi man nabanggit ni Prestado ang eksaktong lugar kung saan nakunan ang litrato, marami naman ang nakaalam na sa Quezon City ito naganap dahil na rin sa sign board na nagtuturo ng direksiyon papuntang Batasan Road at Fairview.

Sa kasalukuyan ay umani ang post nang higit 11,000 reactions at higit 19,000 shares sa Facebook.

Marami rin ang nagtaka kung paano nagawang dalhin ng lalaki ang kaniyang motor sa ibabaw ng overpass upang madaling makatawid sa kabilang kalsada.

“Hahaha! Paano nakaakyat iyan,” mausisang tanong ni JO.

“Mga idol, may bike lane iyan. Kasi dito sa Cainta overpass sa may Sta. Lucia, may bike lane pero motor bawal ata,” paliwanag ni MA.

“May ramp iyan for bike at para sa mga naka-wheelchair lang iyan,” sabi ni RVA.

Imahe mula kay Mark Anthony Prestado | Facebook

Bagama’t naaliw ang netizens dahil sa pagiging malikhain ng rider sa paggamit ng overpass, hindi naman maikakaila na mali ang ginawa nito lalo na’t ginawa ang overpass para daanan ng mga taong naglalakad, naka-bike, at nakasakay ng wheelchair lamang.

Source :

Facebook

Loading…