Lalaking palaboy, hinangaan ng may-ari ng convenience store sa galing sa pagpinta ng signage

Imahe mula sa Facebook | Donn Brian Camus
  • Humanga ang isang businessman sa talento sa paggawa ng signage ng isang palaboy
  • Kuwento ni Donn Brian Camus, noong una ay nag-aalangan siya kung magtitiwala kay Mang Ruben ngunit nakumbinsi siya nito at hindi naman siya nabig0
  • Dahil dito ay napagtanto ni Donn na minsan ay tiwala lamang ang kailangan ng mga taong nagpipilit na mabuhay nang marangal

Bumilib ang isang businessman sa lalaking lumapit sa kaniya upang ialok ang kaniyang talento sa pagpipinta.

Imahe mula sa Facebook | Donn Brian Camus

Kuwento ng netizen na si Donn Brian Camus, namataan niya si Mang Ruben Verches sa tapat ng kaniyang convenience store. “He is the homeless guy who approached me last week asking kung kailan daw ba dadating yung owner ng tindahan kasi gumagawa raw siya ng signage. Sabi ko ako yung may-ari kaya tinanong ko siya kung saan saan na yung mga nagawan niya ng signages,” aniya.

Pag-amin ni Donn, noong una ay may alinlangan siya dahil kung hindi magiging maayos ang resulta ng gagawin ni Mang Ruben ay kakailanganin pa niya itong ipabura at palitan.

“Nakumbinsi naman ako kasi yung katabing laundry shop, siya raw ang nag-paint ng signage,” saad pa ni Donn. Bukod dito ay naipaliwanag naman daw ni Mang Ruben ang proseso na kaniyang gagawin. Ipapa-approve pa raw muna nito sa uploader ang gagawin bago ipinta.

Umantig din sa pus0 ni Donn ang kawalan ng permanenteng tahanan ng kausap.

Imahe mula sa Facebook | Donn Brian Camus

“Noong nalaman kong palaboy at sa ilalim lang pala ng flyover yung sinasabi niyang pwesto niya, tapos yung mga gamit, signage maker box,  at iniipon niyang mga kalakal ay kinuha ng mga sweepers, medyo nakaramdam ako ng awa kaya parang tulong ko na lang din sa kanya,” sabi niya. “Pwede ko naman ipabago kung sablay talaga.”

Ngunit laking gulat niya nang makita ang output ni Mang Ruben. “Minsan kailangan lang talaga nating magbigay ng kaunting tiwala sa taong nagpipilit mabuhay nang marangal para kahit paano ay madagdagan ang pag-asa nila sa buhay.

Dagdag ni Donn, kung may mga nais daw magpagawa ng kay Mang Ruben ay makikita siya sa Bagong Ilog, Pasig City.

“Let’s give the man a chance to make a living,” sabi niya.

Source :

Facebook

Loading…