Larawan ng Taong Putik Festival sa Nueva Ecija, wagi sa photo contest sa Thailand

Imahe mula sa Facebook | Naris Day
  • Kabilang ang larawan ng isang Pilipino sa Prize Winners ng International Photographic Contest sa Thailand
  • Ipinapakita ng larawan ni Jophel Ybiosa ang ‘Taong Putik Festival’ sa Aliaga, Nueva Ecija
  • Mahalaga para sa kaniya ang pagkapanalo rito dahil gusto niyang maipakita ang kultura at tradisyong Pilipino sa pamamagitan ng mga larawan

Itinanghal ang larawan ng mga “Taong Putik” sa Aliaga, Nueva Ecija bilang Prize Winner sa 2020 International Photographic Contest sa Thailand na ginanap bilang pag-alala sa Prince Naris Day doon.

Imahe mula sa Facebook | Naris Day

Ang winning photo na nagpapakita ng tema ng photo contest na “Celebrate” ay kuha ng Pilipinong cruise photographer na si Jophel Ybiosa. Ito ang nag-iisang Filipino entry na napabilang sa 15 Prize Winners mula sa 76 na itinanghal na finalists.

Ayon kay Ybiosa, ang kaniyang larawan ay nagpapakita ng mga deboto na nakasuot ng pinatuyong dahon ng saging at balot ng putik bilang pag-alala kay St. John the Baptist.

“According to a local legend, the Japanese s0ldiers were about to execute the villagers of Aliaga during World War II. But in the midst of downpour, Japanese s0ldiers suddenly changed their minds,” sabi ni Ybiosa, ayon sa Good News Pilipinas.

“Afterwards, the villagers celebrated by rolling around the muddy ground. There’s a belief that being saved from the execution is a miracle of Saint John the Baptist.”

Imahe mula sa Facebook | Naris Day

Sabi pa ni Ybiosa sa Good News Pilipinas, mahalaga para sa kaniya ang pagkapanalo sa kompetisyong ito.

“The prestigious H.R.H. Prince Naris Medal of Distinction is unique and meaningful to me as a Prize Winner of International Photographic Contest,” paliwanag niya. “Since I’m also advocating our distinct Philippine culture and tradition through the art of Photography, I decided to submit a different image of Mud People Festival in line to the contest theme ‘Celebrate.’”

Tatanggap siya ng cash prize, H.R.H. Prince Naris Medal of Distinction at mapapabilang din ang kaniyang larawan sa official catalogue at international exhibition.

Ang photo contest na ito ay inorganisa ng Silpakorn University sa Bangkok Bangkok, sa pakikipagtulungan sa Royal Photographic Society of Thailand at Narisaranuvattivongse Foundation.

Loading…