Lea Salonga, hinangaan ang katapangan at pagmamahalan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

  • Marami ang nagulat ngunit natuwa sa naganap na kasalan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli
  • Isa na rito ang katrabaho ni Sarah na si Lea Salonga na kasama ni Sarah sa The Voice Teens
  • Labis na humanga si Lea sa ipinamalas na katapangan ng dalawa upang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan

Kahit nahaluan ng kontrobersiya, marami pa rin ang naging masaya sa naganap na “secret civil wedding” nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong Pebrero 20, 2020.

Imahe mula sa Facebook page ni Matteo Guidicelli

Sa ulat ng ABS-CBN, nagbalik-trabaho na rin si Sarah nitong Lunes, Enero 24, 2020, at tila hindi na nagpapaapekto sa anumang idinidikit na isyu sa kanilang kasal. Hindi nagpaunlak si Sarah para sa isang panayam; kahit reaksiyon nito ay hindi rin niya ibinahagi.

Sa sobrang lihim ng kasal ng dalawang hinamak ang lahat masunod lamang ang tinitibok ng kanilang puso, maging ang ilang malalapit na kaibigan at katrabaho ni Sarah ay walang malay sa naging planong ito nina Sarah at Matteo.

Isa sa mga nagulat na lamang sa naganap na kasalan ay ang kapuwa The Voice coach ni Sarah na si Lea Salonga.

“I am shocked. None of us knew. None of us from the show, from the network, but I’m happy for her,” masayang sabi ni Lea sa panayam ng ABS-CBN reporter.

Bagama’t nagulat, hinangaan ni Lea ang katapangan ng magkasintahan.

“To be able to pull it off, that’s a feat. That is a crowning achievement for both of them, na talagang naisikreto nila na who to trust,” dagdag pa ng mahusay na mang-aawit.

Imahe mula sa The Voice Teens ABS-CBN Facebook page

Dagdag pa ni Lea, mahal na mahal umano ni Matteo si Sarah.

Sa araw din mismo ng kasal ay nakapag-taping pa si Sarah sa programa nila ni Lea kasama ang iba pang coach ng The Voice Teens. Ang taping ay umaga hanggang hapon.

Sabagay, anuman ang isyu tiyak na malalagpasan ito nina Sarah at Matteo, lalo pa at kasal na ang dalawa. Hilingin na lamang natin na lubusan nang matanggap ng mga magulang ni Sarah na kailangan nang bumukod at bumuo ng sariling pamilya ng kanilang anak.

Source :

ABS-CBN, Pep

Loading…