Libo-libong turista mula China, Hong Kong at Macau hindi pinayagang makababa sa NAIA

  • Libo-libong pasahero sakay ng flights galing China, Macau at Hong Kong ang hindi pinayagang makapasok sa bansa
  • Ito ay kaugnay ng direktiba ng Malacañang na ipatupad ang travel ban sa buong China at mga teritoryo nito
  • Ang mga pasaherong dumating sa NAIA ay pababalikin sa kanilang pinanggalingan

Libo-libong pasahero sakay ng mga flights na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa China, Hong Kong at Macau ang hindi pinayagan ng Bureau of Immigration na makapasok ng bansa kaugnay ng direktiba ng Malacañang na ipatupad ang travel ban sa buong China at mga tetitoryo nito.

Screenshot mula sa video ng GMA

Ang direktiba ay kaugnay ng kumakalat na 2019 novel coronavirus (nCoV).

Dismayado ang mga pasahero na kinabibilangan ng mga Chinese, Indians, French at Dutch nang hindi sila pinayagang makababa ng eroplano at bagkus ay dinala sila sa isang airport bay kung saan sila maghihintay ng flight pabalik sa kanilang pinanggalingan.

Tatlumpung (30) flights ang dumating sa NAIA Terminal 1,2 at 3 mula sa China, 19 flights mula sa Hong Kong at 4 flights mula sa Macau ang lumapag sa tatlong terminal ng paliparan.

Ayon kay Civil Aeronautics Board executive director Carmelo Arcilla, bukod sa direct flights ay sakop ng travel ban ang mga flights na hindi direktang nanggaling sa China.

“Those coming from China will not be allowed to come here, because of the travel ban, and even those who are not directly coming from China, but for example, they come from Shanghai and they traveled to Bangkok, and traveled to the Philippines, they are also subject to the ban,”  pahayag ni Arcilla.

Screenshot mula sa video ng GMA

Hindi sakop ng travel ban mula sa China  ang mga Pilipino at mga holder ng permanent resident visa na isyu ng Philippine government, subalit isasailalim naman sila sa mandatory 14-day quarantine pagdating nila sa bansa.

Maraming pasahero, karamihan ay Chinese, ang hindi rin makalabas ng bansa pauwi sa China at stranded ngayon sa NAIA dahil maraming airlines ang nagsuspinde ng mga flights sa pagitan ng Pilipinas at China.

Screenshot mula sa video ng GMA

Loading…