Liham ng bata na naglalaman ng imbitasyon sa Beyblade tournament, kinaaliwan

Imahe mula sa Facebook | Alvz Ross
  • Pinag-uusapan ngayon sa social media ang liham na ipinadala ng isang bata sa kaniyang kaibigan
  • Naglalaman ito ng imbitasyon sa isang Beyblade tournament at guhit ng location map ng pagdarausan nito
  • Napa-throwback ang mga netizen dahil ganito raw ang “galawan” ng mga batang 90s noon

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, social media na ang ginagamit sa komunikasyon. Bihira na lamang ngayon ang gumagawa ng liham upang magpadala ng mensahe. Kaya naman naging nostalgic para sa ilang netizens ang pagpapadala ng isang bata ng sulat sa kaniyang kaibigan.

Imahe mula sa Facebook | Alvz Ross

Sa post ni Alvz Ross, ikinuwento niyang narinig nilang may kumakatok sa kanilang gate at nang tignan nila ang mailbox ay nakita nila ang isang papel na nakatuping parang sobre.

Nakasulat sa labas nitong “Para ito kay Arnold. Paki bigay.” Ang liham na may petsang Pebrero 16, 2020 ay nagyayaya pala kay Arnold sa isang Beyblade battle.

“Arnold, magkakaroon ng laban sa Feb. 22 at 23 kung sino ang tatanghalin na God sa Beyblade battle,” saad sa sulat.

Sinabihan din nito si Arnold na maghanda dahil malakas daw ang makakatapat niya. “Malakas ang makakalaban mo doon. Maghanda ka na sa makakalaban mo,” aniya pa.

Imahe mula sa Facebook | Alvz Ross

May kalakip din itong sketch kung saan daw ang magiging “battlefield” nila. “Magpunta ka lang sa nakaguhit sa mapa dito sa baba,” utos ng nagpadala ng mensahe.

Umani na ng mahigit 21k reactions at 26k shares ang post ni Alvz dahil marami ang natuwa sa liham na ito.

“Akala ko love letter na. Tournament pala,” komento ni Ariane G. Biro naman ni Rona A., mukhang malaking tournament daw ang magaganap dahil may invitation at location map pa ito.

Ang netizen na si Leonoel, masaya raw na may mga bata pang marunong magsulat ng liham at maglaro ng Beyblade. “At least buhay pa pala itong ganitong laro sa mga bata. Ang cute lang tignan [dahil kahit] high tech na ngayon, may sulatan pa rin. Satisfying makakita ng ganito,” sabi niya.

Tinawag naman ni P. Bustamante na galawang 90s kid ang ginawa ng nagpadala ng sulat. “Good childhood para sa panahon nila ngayon,” sabi niya.

Na-miss mo rin ba ang mga panahon na wala pang social media at uso pa ang mga larong katulad ng Beyblade?

Source :

Facebook

Loading…