Liham ng Grade 4, kinaaliwan ng netizens

Imahe mula sa Facebook | Roseann Cadag Badrina
  • Isang liham mula sa Grade 4 na estudyante ang pinag-uusapan ngayon sa social media
  • Laman kasi ng sulat ang pambabasted niya sa kaibigan dahil payat daw ito at hindi kumakain ng gulay
  • Maraming netizens ang nag-tag sa kanilang mga kaibigan upang paalalahanan sila na kumain ng gulay

“Siya ang nararamdaman ng pus0 ko at hindi ikaw, kasi ang payat mo at hindi ka kumakain ng gulay.”

Imahe mula sa Facebook | Roseann Cadag Badrina

Bahagi ito ng sulat mula sa isang Grade 4 na estudyante para sa kaniyang kaibigan na labis na kinaaaliwan ngayon ng netizens dahil bukod sa pagka-inosente nito ay nagpapaalala rin ng kahalagahan ng pagkain ng gulay.

Ibinahagi ni Rosanne Cadag Badrina ang larawan ng liham na ito mula kay Danica. “Ang Grade 4 ngayon, marunong nang mambasted. Kawawa naman si Emman,” sabi niya sa caption ng kaniyang Facebook post na ngayon ay may 35k reactions at 44k shares na.

Sa umpisa pa lamang ng liham ay humihingi na ng paumanhin si Danica dahil hindi niya raw crush si Eman. Si Inoy raw ang gusto niya.

“Sorry Eman. Hindi kita crush, Eman kasi may iba na akong nararamdaman at hindi ikaw ang para sa pus0 ko, Eman,” sabi sa sulat na may petsang Pebrero 4, 2020. “Ang nararamdaman ng pus0 ko ay si Inoy.”

Dito niya na pinaliwanag na hindi niya gusto si Eman dahil payat ito at hindi kumakain ng gulay. “Sorry talaga, Eman,” pagtatapos niya pa.

Imahe mula sa Facebook | News5

May mga drawing din ang liham na ito. Ang isa ang nagpapakita ng broken heart na ang kalahati ay may letrang D para sa Danica at E naman sa kabila para kay Eman. Mayroon ding drawing ng isang babae na inaabutan ng bulaklak ng isang lalaki na may pangalang Inoy. Makikita rin doon si Eman na nakatingin lamang sa dalawa.

Naaliw sa inosenteng liham na ito ang mga netizens na karamihan ay natawa sa pambabasted ng bata dahil sa hindi pagkain ng gulay. “Ayaw ko kayong mabasted kaya please, kumain kayo ng gulay,” sabi ni Rulyn D. sa kaniyang mga kaibigan.

Maraming iba pa ang nag-tag sa kanilang mga kaibigan upang paalalahanan silang kumain ng gulay araw-araw.

Source :

Facebook, News 5

Loading…