Lima sa pitong nasa likod ng pagpapasiklab ng mga lobo ng isang vendor, menor de edad

Imahe mula sa Facebook | Alessandra Trinidad
  • Menor de edad ang lima sa pitong mga kabataan na nagpasiklab ng mga itinitindang lobo ng isang vendor
  • Dahil dito, nasun0g din ang ilang bahagi ng katawan ng lalaki
  • Kahit nakipag-areglo na sa pamilya ng mga kabataan ay nais siyang tulungan ng brodkaster na si Raffy Tulfo upang mapanagot ang mga may sala

Menor de edad ang lima sa pitong mga kabataan sa likod ng pagpasiklab ng mga tindang lobo ng isang vendor sa Maynila; dahilan upang malapn0s ang kaniyang balat.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

Ayon sa ulat ng GMA News, pumayag na si Oliver Rosales na makipag-areglo sa pamilya ng mga kabataan sa halagang P35,000. Hiling niya lamang daw ay huwag nang ulitin ng mga ito ang kanilang ginawa.

“’Wag na lang nilang ulitin sa ibang tao kasi hindi lahat ay marunong magpatawad,” sabi niya sa interview sa Stand for Truth.

Ngunit nais siyang tulungan ng brodkaster na si Raffy Tulfo upang mapanagot ang mga tambay na nang-trip sa kaniya. Handa raw itong bigyan si Oliver ng perang katumbas ng ipinang-areglo sa kaniya upang maibalik niya ito. Bibigyan din daw siya ng bagong kabuhayan at tutulungan upang makasuhan ang mga kabataang sangkot.

Dahil kasi sa prank ay nasun0g ang kaniyang kanang braso at paa. Nagpapahinga lang siya nang bigla na lamang siyang pinagkatuwaan ng mga kabataang sangkot. Nagresulta rin ito sa pagkaabo ng 70 piraso ng mga lobo na nagkakahalaga ng P3,000.

“Nagkaganoon po ako kasi po nakatali yung lobo po sa akin. Pag-idlip ko po, bigla na lang nagliyab ‘yung itaas. Kasi pag bagsak ng ap0y, yung itaas yung lumiyab tapos nilamon na po ako nung buong ap0y,” kuwento niya sa GMA.

Imahe mula sa Facebook | Alessandra Trinidad

Sa ngayon ay halos hindi makakilos nang mag-isa si Oliver at kinakailangan pang alalayan. Nanghihinayang din daw siya dahil hindi siya nakapagtinda noong Valentine’s Day kung kailan inaasahan niya sanang lalakas ang kaniyang kita.

Sa kabila nito ay nagpahayag ng pagkaawa ang kaniyang amang si Nicolas sa mga magulang ng mga bata.

“Naaawa rin ako sa mga magulang. Kasi biro mo, ‘yung ipangkakain na lang nila, ibinigay pa sa amin alang alang na lang sa mga anak nila. Pero ‘yung mga bata naman hindi nila naisip yung sakripisyong idinulot nila sa mga magulang nila,” sabi niya sa isang interview.

Ngunit para kay Pandacan P0lice Station 10 Commander PLtCol. Igmedio Bernales, mas maganda kung mapanagot ang mga may sala.

“Kung ang insidente na ganoon, dahilan na lang lagi ay minor, kawawa naman ang mga biktima,” sabi niya at marami naman ang sumasang-ayon dito pagkat hindi biro na ilagay mo sa panganib ang isang tao dahil lamang sa katuwaan.

Loading…