Live action ng Adorable Home ‘Pet the Cat’ Challenge, kinaaliwan sa socmed

  • Viral sa social media ang live action video ng Adorable Home “Pet the Cat” Challenge
  • Sinubukan umano ni Pau Santos na gawin sa totoong pusa ang challenge kung saan maraming netizens ang nahihirapang makuha ang kiliti ng kanilang mga alaga
  • Kinaaliwan naman ng marami ang video lalo na’t napatunayan ng netizen na mahirap talagang lambingin ang mga pusa kahit sa totoong buhay

Bagong libangan ngayon ng karamihan ang paglalaro ng mobile game na kung tawagin ay “Adobrable Home.”

Imahe mulasa Facebook video ni Pau Santos

Marami ang nahuhumaling rito kung saan ang karakter na napili ng manlalaro ay nagpapalipas ng halos buong araw lamang na namamalagi sa loob ng bahay, nakatoka sa pag-aayos at pagdaragdag ng mga dekorasyon dito, nagluluto ng pagkain, at siyang nag-aalaga ng pusa.

Sa Facebook noong February 20, marami naman ang naaliw sa video na in-upload ng netizen na kinilalang si Pau Santos.

Mapapanood kasi rito ang live action ng isa sa mga kinagigiliwang challenge sa game kung saan dapat mahanap ng manlalaro ang “kiliti” ng kaniyang pusa at iwasang magalit ito nang higit sa dalawang beses.

“Kahit pala pag totoo na, mahirap talagang lambingin. 80 na pagmamahal lang naman kayang ibigay,” sabi Pau Santos sa caption ng kaniyang Facebook.

Pumatok ang video na ibinahagi ng netizen dahil maraming manlalaro ang naka-relate sa hirap ng “Pet The Cat” challenge na iyon sa game.

Samantala, nalinawan naman ang iba sa pabago-bagong mood at ugali ng mga pusa; dahilan kaya mahirap makakuha ng hearts mula sa challenge.

Imahe mulasa Facebook video ni Pau Santos

“Mahirap pala talaga. Hahaha,” sabi ni KJ matapos mapanood ang video.

“Hahaha. Yes, nangagat pa,” natatawang pahayag naman ni JM sa comment section.

“Hirap talaga kahit in real life,” paliwanag ni AR.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa higit 23,000 reactions mula sa 535,000 views nito sa Facebook. Mayroon na ring lagpas 30,000 shares ang video na ibinahagi ni Pau sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…