Lokal na pamahalaan ng Quezon City, inilunsad ang “Bring Your Own Bottle” stores

  • May bagong programa ang lokal na pamahalaan ng Quezon City upang masawata ang labis na paggamit ng plastic
  • Ito ay ang “Bring Your Own Bottle (BYOB) Store”
  • May libreng suka, toyo at mantika ang sinumang magdadala ng sariling lalagyan para dito

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Quezon City noong Pebrero 27, 2020 ang kanilang “Bring Your Own Bottle (BYOB) Store” na hakbang upang mabawasan, kung hindi man tuluyang mawala, ang paggamit ng mga lalagyanang plastik na isa sa mga nagiging dahilan ng pagbaha.

Makikita sa naturang BYOB Store ang mga pangunahing condiments tulad ng suka, toyo, at mantika ay matatagpuan sa Quezon City Hall Compound, ayon sa opisyal na Facebook page ng Quezon City Local Government. Naging posible ito sa pakikipagtulungan nila sa kompanyang “NutriAsia”.

Imahe mula sa official Facebook page ng Quezon City Local Government

“Our city government is committed to environmental sustainability and has recently passed City Ordinance 2876 which prohibits the use of single-use plastics,” ayon sa Facebook post.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens, lalo na ang mga naninirahan sa naturang lungsod.

“Wow nice project. You can avail free condiments, just bring your own bottle. Thank you LGU and Nutri Asia,” pasasalamat ng isa.

Saad naman ng isa, “Wow this is good news. Sana pati sa palengke at sa supermarket magawa ito. Maki-cooperate lahat ng businesses. Pati sa mga bigas. Ganoon naman dati wala naman plastic, kaya naman e…”

“Sana gumaya na ang big supermarkets, maglagay sila ng isang side sa grocery na dedicated sa refills, hindi lang condiments kundi shampoo, conditioner at iba pang liquid items. Pati na asin at asukal at ibang dry goods. Free parking kapag may dalang containers,” asam naman ng isa.

Sabi naman ng isa, “This is good, but just make sure that people bring in reusable plastic bottles/containers because the refilled content may be harmful for human consumption if placed in a single use plastic bottle.”

Ang BYOB Store ay bukas para sa mga empleyado ng city hall at mga mamamayan ng Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 hanggang 5:00 ng hapon.

Imahe mula sa official Facebook page ng Quezon City Local Government
Source :

Facebook, PIA, Remate

Loading…