Love love love: Kris Aquino binigyan ang impersonator niyang si Krissy Achino ng Chanel at Givenchy earrings

  • Nakatanggap ng mamahaling regalo si Chino Liu mula sa ginagaya niyang si Kris Aquino
  • Dalawang luxury earrings ang kanyang natanggap na may brand na Chanel at Givenchy 
  • Nagkakahalaga ang mga ito ng P13,00 at P50,000 na ikinagulat ng vlogger 

Hindi kaila sa marami na isa ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa most impersonated icons sa showbiz. Mula sa mga established na ang pangalan tulad nina Angelica Panganiban at Barbie Forteza ay ginagaya siya, hanggang sa mga baguhang naging stepping stone ang impersonation nila kay Kris para sumikat.

Isa na sa mga ito ay ang vlogger na si Krissy Achino  o Chino Liu. Nag-viral ang panggagaya niya kay Kris noong may press conferene ito at biglang lumind0l. Simula noon ay nakapag-guest na siya sa mga TV shows, kabilang ang Wowowin kung saan naka-phone patch niya ang idolo.

Larawan mula sa Instagram account ni Krissy Achino – Chino Liu

Noong Nobyembre naman, nagkita na sina Kris at Chino sa isang event kung saan parehas silang naging guest. Dito ay nagkausap na sila at nakapag-bonding nang saglit. Dito rin naipangako ni Kris kay Chino na mayroon siyang ibibigay na regalo sa kanyang impersonator na labis niyang kinatutuwaan.

At sa latest ngang vlog ni Chino, ipinasilip niya ang mga regalong natanggap niya noong kaarawan niya at isa sa mga nagregalo sa kanya ay si Kris. Dalawang mamahaling hikaw ang natanggap ni Chino mula sa Queen of All Media.

Una niyang ipinasilip ay ang ipinagako raw ni Kris na Givenchy earrings sa kanya. Natanggap niya ang isang magnetic spike double cone earrings na ayon sa website na Lyst ay nagkakahalaga raw ng nasa $271 US o nasa halos P13,550.

Larawan mula sa Instagram account ni Krissy Achino – Chino Liu

“As promised, here’s 1 of the 2 earrings Ms. Kris Aquino gave me as a gift few days after we’ve met in Makati last November. Mygahd, nakakaloka talaguh! If you’re wondering what kind this is, it’s a Givenchy Magnetic Spike Double Cone Earrings. Bongga dibuh? She really keeps her word. Kaya ang Tita Krissy niyo, kahit “walang butas”, may mailalagay na sa ears niya. Perfect ‘to esp for special occasions,” saad ni Chino sa kanyang IG post.

Nakatanggap din siya ng isang Chanel Black Velvet ‘CC’ Round Stone Clip Earrings na nagkakahalaga ng halos P50,000. Maging si Chino ay ikinagulat ang regalong ito sa kanya ni Kris na naging instant niyang kaibigan.

Loading…