LTO, may paalala sa babae sa viral brokenhearted video

Imahe mula sa Facebook | Rosemarie Tan at DOTR
  • Kinaaliwan ng netizens ang mensahe ng Land Transportation Office sa isang babae sa trending video
  • Makikita ang babaeng walang helmet na sakay ng motor habang kumakanta at umiiyak
  • Payo ng LTO Region VII, ingatan niya ang pus0 niya ngunit ‘wag niya ring kalimutang protektahan ang ulo at laging magsuot ng helmet

Ilang araw bago mag-Valentine’s Day ay nadiskubre umano ng netizen na si Rosemarie na niloloko siya ng kaniyang fiance.

Imahe mula sa Facebook | Rosemarie Tan

Sa isang video na ibinahagi niya sa Facebook, makikitang sakay siya ng isang motorsiklo kasama ang dalawa pa habang luhaan na tumatawa na umaawit ng sikat na kantang “Binalewala.”

“Ingatan mo siya, dahil binalewala niya ako dahil sa’yo. Sa isang iglap nasayang ang 9 years,” sabi ni Rosemarie sa caption. Sa kasalukuyan ay may 50k reactions at 23k shares na ito.

Samantala, napansin naman ng Land Transportation Office (LTO) Region VII ang post na ito dahil wala silang suot na helmet kaya naman gumawa ito ng liham para kay Rosemarie.

“Dear Ate Rosemarie, brokenhearted ka, naiintindihan namin. Pero sana maintindihan mo rin ito: Paano ka niya babalikan, paano mo siya ipaglalaban, paano ka babangong muli kung madidisgrasya ka dahil sa isa pang pagkakamali?” panimula ng kanilang post. “Love yourself first. Ipakita mo sa kanilang iniingatan mo ang sarili mo. That way, mag-aalangan silang saktan ka.”

Imahe mula sa Facebook | LTO Region VII

Nagbigay rin sila ng iba pang paalala upang hindi raw masaktan si Rosemarie.

Una, tama raw na ingatan ang pus0 ngunit dapat ding ingatan ang ulo kaya dapat daw ay laging magsuot ng helmet.

“Gaya sa relasyon, huwag kang umangkas kung may angkas na itong iba,” dagdag nila. “Sabi mo, 9 years ang sinayang niya. Ikaw, ‘wag mong sayangin ang buong buhay mo.” Binati rin nila ng ligtas at maligayang Valentine’s Day ang uploader ng video.

Ikinatuwa naman ng netizens ang paalalang ito ng LTO para sa ligtas na pagmamaneho ng motor.

“Ingatan ang sarili bago mo pa ingatan ang taong binalewala ka. Nice one LTO,” komento ni Sha S.

Sabi naman ni netizen R. Reboton, “This is the best caption ng LTO. Wear your helmet. Ingatan ang sarili. Nariyan lang ang partner, nahahanap ‘yan.”

Loading…