Lucy Torres Gomez, may mahalaga at napapanahong mensahe ukol sa buhay

  • May mga naniniwala na hindi maganda ang pasok ng 2020 dahil sa masasamang kaganapan sa unang buwan pa lamang ng taon
  • Sa kabila nito, mahalaga pa ring manatiling positibo ang pananaw sa buhay
  • Napakalaking tulong ng magagandang pananalita na magbibigay ng inspirasyon sa ating kapuwa tulad ng mga naging pahayag ni Lucy Torres Gomez

Sa mga hindi kaaya-ayang pangyayari sa kasalukuyan, napakalaking bagay na para sa atin ang makabasa o makarinig ng mga positibong mensahe. Ang mga salitang makapagbibigay sa atin ng lakas at inspirasyon ay kailangan natin sa mga ganitong panahon.

Imahe mula sa Facebook page ng Team Lucy Torres Gomez

Kaya naman napapanahon ang isang Instagram post ni Lucy Torres Gomez tungkol sa pag-ibig, pagpapatawad, at kung paano magiging mas makabuluhan ang ating pamumuhay.

“Love deeper. Overthink less. Live more. Hug tighter. Forgive. Be present. Spend time together. Care deeply—never mind if it will sometimes hurt,” mensahe ni Lucy sa kaniyang mga kaibigan at social media followers.

Ang pagpost na ito ni Lucy ay halos kasunuran ng balita ukol sa aksidenteng kinahantungan ng sikat na basketbolistang si Kobe Bryant at ng anak nito, kasama ang pito pang pasahero ng bumagsak na eroplano.

 “Allow yourself to feel every emotion knowing the heart will always mend itself anyway. Don’t forget/be afraid to say ‘I love you’. Today is all we really have,” dagdag pa ni Lucy.

Samantala, noong isang linggo ay present din si Lucy sa isinagawang special session ng Kongreso sa Batangas City Convention Center upang makausap din ang mga naging biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal. Si Lucy ay Congresswoman ng 4th District ng Leyte.

Pinusuan ng mga kaibigan ang Instagram post ni Lucy. Kabilang sa mga nagkomento ay sina Ryan Agoncillo na sinabing “Today is all we really have.”

Imahe mula sa Facebook page ni Lucy Torres Gomez

Si Iza Calzado naman ay pumabor sa pahayag ni Lucy at sinabing “Amen. Love you, Ate Lucy.”

“Amen. I believe this more and more every day. The life we have is on borrowed time—God’s time,” komento naman ni Karen Davila.

Source :

Instagram

Loading…