Madiskarte: Misis, nilagyan ng family picture ang motor upang hindi na raw makapag-angkas si mister ng ibang babae

  • Trending sa social media ang diskarte ng isang misis para wala nang umangkas sa motor ng mister
  • Nilagyan niya ng family picture ang visor ng mamahaling motorsiklo ng mister
  • Maraming netizens naman ang natuwa sa kakaibang diskarteng ito at nais nilang gayahin

Maliban sa pagiging isang maaasahang sasakyan, ang motorsiklo ay nagsisilbi ring pamporma ng ilan sa atin. Kapag maganda ang minamaneho mong motor, mas agaw-pansin ka ng mga tao, lalo na ang mga dinidiskartehan mo. Kaya naman marami sa atin ang gumagastos talaga sa pagbili ng magandang unit ng motor kahit may kamahalan na ang mga ito.

Ngunit isang misis ang may wais na paraan upang hindi na raw magamit ng kanyang mister ang motor bilang pamporma sa mga chiks, nilagyan na niya ng family picture ang kanilang motor. Ibinahagi ng Facebook page na Buhay Lespu ang larawan ng isang motor na may family picture sa visor.

Larawan mula sa Facebook page ng Buhay Lespu

Isang Yamaha NMAX ang motorsiklo na mayroong kamahalan sa bansa. Nabibili ito sa presyong higit P100,000 kaya naman cool na cool itong pamporma ng sinuman. Ngunit mas wais ang misis na inilagay sa visor ng motor ang malaking picture ng kanilang pamilya.

“Tignan ko lang kung makapagsakay ka ng ibang babae,” sabi ng Buhay Lespu sa kanilang post na agad namang nag-viral sa social media. Mayroon lang naman itong higit 9,700 reactions, 4,200 comments, at 15,000 shares matapos ang anim na oras nang i-post ito.

Kanya-kanyang opinyon naman ang mga netizen sa larawang ito. Mayroong mga nagsabi na hanga sila sa kakaibang diskarte na ito upang ibalandra sa mundo na pamilyado na ang taong nagmamaneho at hindi na puwedeng umangkas pa ang iba.

May mga asawa at nobya naman na sinasabi sa kanilang mga kapareha na handa na silang bilhan ng motor ang mga ito. Iyon nga lang, kondisyon nila, kailangan ay lalagyan din nila ng larawan nila at ng kanilang pamilya ang harapan ng kanilang motorsiklo.

Larawan mula sa Facebook page ng Buhay Lespu

“L0ve, payag na akong bumili ka ng motor. Pero ganito ang gagawin natin sa harapan. Pa-print na ba ako ng picture natin?” sabi ng isang netizen na nagkomento.

Pero ang iba, tila duda yata sa bisa ng technique na ito ni misis. Ayon sa kanila, kahit daw balutin pa ng family picture ang buong motor, marami pa rin daw ang mga hindi papipigil at sasakay pa ring ‘number two’ sa motor nang may motor.

Loading…