Madiskarte si adviser: Guro, in-edit ang class picture nila at inilagay ang mga absent na mag-aaral para kumpleto sila

  • Naghatid ng good vibes sa mga netizens ang isang class picture na in-upload ng isang guro
  • In-edit kasi ito ng teacher at inilagay ang larawan ng tatlong absent na mag-aaral
  • Ginawa raw ito ng guro para makumpleto ang klase sa kanilang class picture dahil wala na itong take two pa

Isa sa mga importanteng souvenir ng bawat batch ang kani-kanilang class picture. Taon-taon, bawat section at grade level na kanilang tinutungtungan ay mayroong picture taking na nagaganap bago matapos ang school year.

Ngunit kahit naka-schedule nang maaga ang class picture, hindi lahat ay nakadadalo. Ang iba ay hindi inaasahang nagkakaroon ng karamdaman habang ang iba naman ay may ibang importanteng bagay na kailangang gawin sa petsa ng kanilang pictorial.

Larawan mula sa Facebook post ni Chona Isabel Manaois Castillo

Ito ang tinugunan ng isang guro mula sa San Jose del Monte, Bulacan. Ginawan ng paraan ng gurong si Chona Isabel Manaois Castillo mula sa Muzon National High School ang kanilang class picture upang mailagay ang tatlo niyang mag-aaral na hindi nakadalo sa pagkuha ng kanilang larawan.

Iniligay ng guro ang cropped photos ng dalawang mag-aaral sa dalawang gilid ng kanilang class picture. Habang ang isa naman ay nagsilbing background sa buong klase at may pinakamalaking mukha sa nasabing larawan na makikita sa Facebook account ng guro.

Agad namang naghatid ng good vibes sa mga mag-aaral at mga netizens ang kakaibang diskarte ni Ma’am para makompleto sila sa kanilang class picture. Napakomento tuloy ang mga mag-aaral at sinabi kung hindi nila alam ang ire-react sa larawan. Gusto raw nila ang ginawa ng guro pero hindi raw nila mapigilang matawa.

Larawan mula sa Pexels

Sinabi naman ni Ma’am Chona na pakana raw din ng buong klase ang i-edit ang kanilang larawan. Dahil daw gusto ng mga ito na makumpleto sila, napagdesisyunan nilang i-edit na lamang ang larawan. Ngunit hindi ito ang opisyal na kuha na ipamimigay ng paaralan. Ginawa lamang nila ito para i-upload sa social media at may maayos pa ring larawan ang buong klase, ngunit wala ang tatlong absent.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may napaulat na mayroong mga madiskarteng guro para lamang mapasaya ang kanilang mga mag-aaral. Noong nakaraang taon, nag-trending din ang isang guro mula sa Sultan Kudarat na ginawan naman ng portrait ang kanyang klase.

Source :

Facebook, DF News

Loading…