Mag-ingat! 1 to 2 a.m. pinakadelikadong oras ng pagmamaneho

Imahe mula sa PNA
  • Pinakamarami raw naitalang bilang ng mga nasawi sa mga aksidente na nangyari sa pagitan ng 1 a.m. at 2 a.m.
  • Ito raw marahil ay dahil sa pagod, puyat, o nakainom ang mga nagmamaneho sa ganitong mga oras
  • Pinayuhan din ang mga motorista na siguraduhing nasa kondisyon kapag nagmamaneho upang makaiwas sa mga ganitong insidente

Mas delikado umano ang mga aksidenteng nangyayari sa kalsada tuwing madaling araw; kung kailan halos wala nang motorista sa daan.

Imahe mula sa PNA

Ayon sa GMA News, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na madalas na nangyayari ang mga ito dahil sa tatlong P – pagod, puyat, at pagmamaneho nang lasing.

Napag-alaman mula sa accident tally ng Metro Manila Reporting and Analysis System na umabot sa 121,771 ang mga aksidente na naitala para sa taong 2019; mas mataas kumpara sa 116,906 noong isang taon.

Sa bilang ng mga aksidente sa kalsada noong 2019, 8,593 ang nangyari sa pagitan ng 1 a.m. at 5 a.m. Nakapagtala rin sila ng 33 na mga hindi pinalad mula 1 a.m. hanggang 2 a.m.

“Between 1 a.m. and 2 a.m. has the most reported deaths in a road crash maybe because motorists take advantage of the wider roads [but they are already] tired, sleepy, or under the influence of liqu0r while driving,” sabi sa ulat.

Naitala naman sa Quezon City ang pinakamaraming insidente ng banggaan na umabot sa 39,797. Sinundan ito ng Maynila na may 12,453 at Makati na may 11,229.

Imahe mula sa PNA

Ayon sa ulat, pinakamarami raw aksidente sa mga lugar na ito dahil mas malaki ang mga ito kumpara sa ibang mga lungsod sa National Capital Region.

“[This is because of] the presence of major road networks in this three cities like EDSA, C5 Road, and Commonwealth Avenue,” sabi nila.

Ayon sa Philippine National P0lice – Highway Patrol Group, 90 porsiyento ng mga nangyayaring aksidente ay dahil sa human error kaya naman pinayuhan nila ang mga nagmamaneho na siguraduhin nasa kondisyon sila at sundin ang batas trapiko.

Source :

MMDA, GMA News

Loading…