Makakasama ni Bong Revilla para sa kanyang comeback show sa GMA Network, ipinakilala na

  • Tuloy na ang pagbabalik-telebisyon ni Sen. Bong Revilla Jr. sa GMA Network
  • Makakasama niya sina Sanya Lopez, Allen Dizon, at Roi Vinzon sa proyektong Agimat ng Agila
  • Ipalalabas daw ito sa darating na Marso sa weekend slot

Gumawa ng ingay ang pagbabalik-telebisyon ng action star-turned-politician na si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga netizens sa kanyang pagbabalik sa paggawa ng proyekto bilang aktor matapos ang kinasangkutang isyu na naging sanhi pa ng kanyang pagkakabilanggo ng limang taon.

Ngunit anuman ang isyu ng ilang manonood sa comeback ni Bong, tuloy na tuloy na ito dahil ginawa na ang story conference ng weekly drama series niyang Agimat ng Agila na ipalalabas sa GMA Network. Bukod sa senador, makakasama niya ang tatlong pangalan na hinangaan din sa larangan ng action projects.

Larawan mula sa Instagram account na Sanyawarri0rs

Magiging leading lady niya sa unang pagkakataon ang Kapuso star na si Sanya Lopez na unang nakilala sa mahusay nitong pagganap bilang bagong Danaya sa Encantadia 2016. Kasama rin niya ang best actor ng nakaraang Metro Manila Film Festival na si Allen Dizon at ang beteranong aktor na si Roi Vinzon na kasama rin sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun.

Action-fantasy ang genre ng bagong show nina Bong at Sanya na wala pang timeslot pero sigurado na raw na weekly series ito. Excited naman si Sanya na babalik siya sa paggawa ng isang action drama matapos ang ilang taon nang gumanap siya bilang Danaya.

“Iba po ito sa akin eh. Lalo nap o kasama ko rito si Senator Bong Revilla, na hindi ko po akalain, makakasama ko po pala siya,” pahayag ni Sanya sa PEP.

Huling ginawa ni Bong Revilla para sa GMA ang proyekto na Indio na unang daily series din ni Bong kung saan nakasama niya rin ang mga Kapuso actress na sina Rhian Ramos, Sarah Lahbati, at Solenn Heusaff.

Larawan mula sa YouTube

Noong Disyembre, inilabas ng GMA ang naging pictorial at plug sh00t ni Bong. Inilabas naman nila ang full teaser ng ‘environmental-action’ series ni Bong noong Disyembre na isa sa mga malalaking programang ihahain ng Kapuso network ngayong taon.

Bago mawala sa telebisyon si Bong, nakilala na rin siya sa kanyang mga weekly projects sa GMA Network katulad ng Idol Ko Si Kap, Hokus Pokus, at Kap’s Amazing Stories. Sa Marso na ipalalabas ang naturang  weekly series.

Source :

GMA Network, PEP

Loading…