Makisig Morales, inaming nabawasan ang pagiging seloso ngayong kasal na

Imahe mula sa Instagram | Makisig
  • Sa edad na 22 ay nagpakasal si Makisig Morales sa beauty queen na si Nicole Morales
  • Sa unang pagkakataon ay nagpaunlak ang mag-asawa ng TV interview mahigit isang taon matapos ang kasal
  • Pag-amin ni Makisig, mas seloso siya noong magkasintahan pa lamang sila kaysa ngayong mag-asawa na sila

Sa unang pagkakataon ay nagpaunlak ng TV appearance sina “Super Inggo” star Makisig Morales at ang asawang beauty queen na si Nicole Morales. Naganap ito sa isang episode ng Magandang Buhay noong nakaraang Huwebes.

Imahe mula sa Instagram | Makisig

Sa isang bahagi ng episode ay natanong ang dalawa kung may nagbago ba pagdating sa pagseselos ngayong kasal na sila. Aminado si Makisig na noong magkasintahan pa lamang sila ay hindi niya maiwasan ang pagiging seloso lalo na at laking Australia ang kaniyang girlfriend.

“Mas nandun po yung selos, kasi siyempre nakaka-insecure naman po. Lalo na galing siyang Australia, siyempre iba po yung looks nila, pero siyempre hindi naman yung looks yung nagustuhan niya sa akin,” paliwanag niya,

Dahil kasal na, nabawasan na raw ang pagseselos ni Makisig na aminadong mas clingy kaysa kay Nicole.

“Unlike now na mag-asawa na, mas nabawasan na po iyon. Mas trust na po namin ang isa’t-isa, tsaka mas panatag na po ‘yung loob namin,” sabi ni Makisig.

Nang tanungin kung umabot ba sa puntong naisip nilang maghiwalay, sagot ni Nicole: “Hindi naman po, kasi lagi niya akong nire-reassure e. So hindi naman po.”

Imahe mula sa Instagram | Makisig

Nitong Enero lamang ay nagbahagi si Makisig ng larawan nila ng asawa bilang pagbati sa kanilang unang anibersaryo.

“Happy 1st anniversary my Love. Maraming challenges na nangyari sa 2019 at ganoon din ngayong 2020 pero ang importante ay we will face it together! Stay fun, loving, energetic, weirdong tao na minahal ko. I love you so much. P.S. I love you @_nicolejoson,” sabi niya.

Twenty two years old lamang si Makisig nang magpakasal ngunit naniniwala raw siya na hindi na dapat patagalin ang pagiging magkasintahan kung sa kasalan din naman ang tuloy.

“Isang advice din po sa akin ni Papa na huwag nang patagalin pa kasi kapag pinatagal na hindi kasal, mas prone sa temptations at alam ninyo parehas na may limitations kayo sa isa’t isa kaya I considered my Dad’s advice din,” sabi noon ni Makisig sa PUSH.

Loading…