Malacañang, nagpaabot ng pakikiramay sa pagyao ng ina ni VP Robredo

Imahe mula sa Facebook | Leni Robredo
  • Nagpahayag ng pakikiramay ang Malacanang sa pamilya ni Vice President Leni Robredo sa pagyao ng kaniyang ina
  • Sinabi nilang si Salvacion Gerona raw ay isang ‘selfless at dedicated’ na guro
  • Noong isang buwan ay nanghingi ng panalangin si VP Robredo para sa ina na nasa 0spital

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacanang sa pagyao ng ina ni Vice President Leni Robredo na si Salvacion Gerona.

Imahe mula sa Facebook | Leni Robredo

“We wish to extend our heartfelt condolences to Vice President Ma. Leonor ‘Leni’ Robredo for the passing of her beloved mother, Ms. Salvacion Gerona. In this time of bereft, we also offer our thoughts and sympathy to the family, relatives and friends of Ms. Gerona,” sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo.

Si Gerona, na nagturo sa Universidad de Sta. Isabel sa Naga, ay isang “selfless and dedicated teacher who molded countless of young minds across generations.”

“We pray that the perpetual light will shine upon Ms. Gerona, and that her soul, through the mercy of God, may rest in eternal happiness and peace,” dagdag pa sa pahayag.

Kinumpirma ni Robredo ang pagyao ng kaniyang ina sa pamamagitan ng isang Facebook post. “Mommy breathed her last at 7:27 tonight, February 22,” aniya.

Imahe mula sa Facebook | Leni Robredo

Simula raw ng burol sa Pebrero 23, 4 p.m., sa Eternal Chapels and Mortuary sa Naga City. Nagpasalamat din siya sa lahat ng nag-alay ng dasal at pakikiramay sa kanilang pamilya. “Thank you to everyone who offered prayers and sent condolences,” sabi niya.

Una na siyang nanghingi ng panalangin noong Enero para sa kaniyang ina. “Rushed home to Naga this afternoon for my Mom who turned for the worst. Please help me pray that she pulls through this,” sabi niya noong Enero 24.

Noong sumunod na araw ay nagbahagi siya ng update kalakip ang larawan kung saan hawak niya ang kamay ng ina.

“Thank you for your prayers. My mom was able to survive a most difficult day. Although she is still on ventilator, she is much better today and her vital signs have improved. Still praying for her complete healing,” ani Robredo.

Source :

Facebook, GMA

Loading…