Malupit na tanong: “Handa ka bang ibigay ang balat ng chicken joy mo sa taong mahal mo?”

  • “Handa ka bang ibigay ang balat ng chicken joy sa taong mahal mo?”
  • Iyan ang tanong sa isang Facebook page na kinaaliwan ng mga netizens
  • Ang “chicken joy” ay tawag sa masarap na fried chicken ng isang sikat na fast food chain sa bansa

Ano ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo?

Kinaaliwan ng mga netizens ang isang Facebook post na makikita sa page ng isang nagngangalang “@kayseegregorio” kung saan isang malupit na tanong ang iniwan niya para sa lahat: “Handa ka bang ibigay ang balat ng chicken joy sa taong mahal mo?”

Imahe mula sa Facebook page na Kay See

Maraming paraan kung paano maipakikita at maipadarama ang pagmamahal sa isang kasintahan o taong minamahal. Maaaring sa pamamagitan ng pagbibigay ng bulaklak, tsokolate, pagkain, o mga mamahalin o simpleng bagay na makapagdudulot ng ngiti sa kaniyang mga labi. O kaya’y payak na mga gestures o galawan tulad ng holding hands, halik, at yakap.

Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens. Kaniya–kaniyang hugot naman sila hinggil sa pagbibigay ng mga bagay na nasa sa iyo na, subalit kaya mo pang isakripisyo para sa taong mahal mo.

“Wala naman akong naalalang may ibigay na balat ng chicken joy ang asawa ko. Dahil ang totoo niyan, ako yung taong handang kumain ng tira–tira niyang pagkain kapag ayaw na niya,” pagbibida ng isa.

Hugot naman ng isa, “Ibinigay ko na lahat pero nakukulangan pa rin. Kasi baka tama nga yung nararamdaman ko na hindi naman talaga ako yung tao na gusto niya makasama panghabambuhay.”

“No way, she can get her own chicken joy balat. At masama sa health nila yun. So by not giving her my chicken joy balat in a way I’m helping her to be healthy,” praktikal na sagot naman ng isa.

Public Domain Image

Banat naman ng isa, “Hindi lang balat ng chicken joy ang kaya kong ibigay, pati Jolly cheese hotdog cheese, Pancake house chicken skin, last piece of salmon sashimi. Love is real.”

Ikaw, kaya mo bang ibigay ang balat ng chicken joy na isusubo mo na lamang, para sa taong mahal mo?

Source :

Facebook

Loading…