Manual “Microsoft Excel” natuklasan ng netizen sa briefcase ng tatay niya

  • Ibinahagi ng isang netizen ang mga larawan ng lumang columnar na nagpapakita ng “manual Microsoft Excel” noong araw
  • Sulat–kamay ito ng kaniyang ama na natagpuan nila sa lumang briefcase nito
  • Humanga naman ang mga netizens at nagbigay ng komento hinggil dito

Malaki ang nagagawa ng computer at laptop sa buhay ng tao, sa pag–aaral, pagnenegosyo, o usapin ng pagtatrabaho. Nagagawa nitong mapabilis ang iba’t ibang mga papeles at visual aids na nararapat gawin, tulad na lamang ng pagpapakita ng iba’t ibang graphs ng sales na kinakailangan sa financial report ng isang kompanya. Salamat sa mga “MS Word” at MS Excel”.

Kaya naman, kinabiliban ng mga netizens ang mga ibinahaging mga larawan ng isang user na nagngangalang “Kathleen Sison”. Ayon sa kaniyang Facebook post, nakita niya sa lumang briefcase ng kaniyang Papang ang lumang “columnar” nito noon pang 1993, na umano’y manual Microsoft Excel noon. Dati umanong punungguro ang kaniyang Papang.

Imahe mula sa Facebook account ni Kathleen Shane Pinlac Sison

“We found Papang’s briefcase and saw this! He was a principal in an elementary school back then. As someone who was born in the advent of technology, I am so amazed. Before Microsoft Excel, there’s this! Sipag ni Papang at ang galing talaga!”

Pati ang mga netizens ay hindi napigilang mamangha at magkomento sa mga naturang larawan.

Sabi ng isa, “Graphs are so amazing! Ang galing at ang tiyaga naman ng mga tao noon. Dito mo makikita ang pagiging matiyaga at masikap ng mga tao noon. Eh ngayon, lahat na halos ay available, kinatatamaran pa ng mga taong gawin.”

“Really amazing! Iyan ang patunay ng kasipagan. Imagine, all graphs were perfectly drawn. Napaka–detailed pa! Ibang klase talaga ang mga tao noon. Era pa iyon ng mga makinilya, na kapag nagkamali ka, talagang uulit ka. back to zero, wika nga nila,” bulalas naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Kathleen Shane Pinlac Sison

Papuri naman ng isa, “Manual Excel ito ah… napakahusay! Halos perfect ang mga line graphs, at ang hand writing ay napakaganda! Sa panahon ngayon, tamad nang magsulat ang mga bata. Mas gusto nilang mag–type na lang using their smartphones, desktop o laptops.

“Submit it to your city museum so that this will become part of a recorded history… Soon, the digital era children will realize na ang galing talaga at resourceful ng papa mo, reflecting how hardworking our ninuno back in their days. Job well done!” payo naman ng isa.

Namamangha, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…