Mas mababang singil sa kuryente ng Meralco, asahan ngayong Pebrero

  • Asahan pa ang mas mababang bayarin sa kuryente ngayong Pebrero kumpara noong Enero
  • Ito ay matapos ianunsiyo ng Meralco ang magandang balita para sa kanilang mga customer
  • Asahan umano ang pinakamababang rate na ?8.8623 kada kWH ngayong Pebrero o katumbas ng ?118 sa isang tipikal na household

Kabilang sa buwanang gastusin ng bawat pamilyang Pilipino ay ang pagbabayad sa nakonsumong kuryente. Bagama’t malaking tulong sa pang-araw-araw na buhay ang kuryente, marami sa atin ang nahihirapan sa pagbabayad sa tuwing tataas ang singil nito.

Imahe mula sa Wikipedia

Kaya sa tuwing magbababa ng singil ang Manila Electric Company o Meralco, ito ay isa nang napakagandang balita para sa mga konsyumer tulad ng pag-aanunsiyo nila ukol sa pagbaba ng singil ng kuryente ngayong Pebrero 2020.

Ayon sa ulat ng Inquirer, asahan na umano ng mga customer ng Meralco ang mababang singil sa kanila ngayong Pebrero dulot ng lower power generation charges.

Asahan na ang tipikal na household na kumokonsumo ng 200kWH ay magbabayad ng ?8.8623 kada kWH. Mas mababa umano ito kumpara noong Enero 2020 na nag-charge ng ?9.4523 kada kWH.

Mas mababa pa raw ito kumpara noong Pebrero 2010 kung saan naitalang ?9.0331 ang kada kWH.

Sa kabuuan, inaahasan ang bawas-singil na ?0.5900 kada kWH o ?118 sa isang tipikal na household ngayong Pebrero.

Ang pagbaba ng singil ay bunsod ng lower generation charge matapos maiplementa ang bagong Power Supply Agreement simula noong Disyembre 26, 2019.

At dahil nalalapit na ang summer season, nagbigay rin ng ilang tips ang Meralco para sa kanilang mga customers.

Ilan sa mga kanilang tips ay hugutin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit para maiwasan ang tinatawag nilang “phantom load.”

Imahe mula sa Pixabay

Kung gagamit ng aircon, ilagay ito sa mid-setting o sa 25° Celsius para sa maximum effeciency. I-maximize din ang paggamit ng natural na liwanag tuwing umaga nang sa gayon ay hindi na kailangan pang gumamit ng ilaw.

Siyempre, tiyaking gumagana nang maayos ang mga appliances sa bahay.

Source :

Inquirer

Loading…